Ella's POV
Simula nang nakauwi ako dito sa Manila, wala na akong ginawa kundi ang magmukmok dito sa kwarto. Kinausap ako nila ate at kuya and kwenento ko naman ang nangyari kasi hindi din naman ako makakapaglihim sa kanila at iba pa rin kung may pamilya kang napagsasabihan at dinadamayan ka.
Bakit daw ako nagdrama ng ganon eh naghalikan lang naman daw pala hindi kinasal. Loko din to si kuya eh, ikaw kaya makita ang mahal mong nakikipaghalikan sa iba, magpapaparty ka ba? Si ate naman niloloko ako at mahina daw ako. Akala daw nya ay palaban ako at hindi pa naman daw ako basted. Parang imbis maging okay ako, lalo atang naging hindi ah. But at the end of the day, pinaramdam pa rin nila sa akin na mahal nila ako at nandyan lang sila palagi.
Fast forward.
Tok tok tok
"Lakas naman ng katok na yan, dahan-dahan naman please" inis kong sabi.
Pagbukas ko ng pinto, si ate pala tas parang hinahapo sya kakamabilis.
"Bunso tumawag sa akin si Alyssa. Emergency daw at please puntahan mo sya ngayon sa condo nya. Hindi daw sya makagalaw at makabangon. Parang naiiyak pa nong kausap ako, baka kailangang dalhin sa hospital" kinakabahang sabi ni ate.
"Ano? bakit ganon wala ba syang ibang pwedeng tawagan, medyo malayo pa naman ako" nagulat at nag-aalala kong sabi.
"Ako ang tinawagan hindi ikaw dahil hindi ka ma contact. Ayan na kasi ang dami mong drama sa buhay. Eh kung hindi pa ako na contact ni Ly? Paano na lang baka ano pang mangyayari don. Please lang huwag ka ng maraming tanong, dalian mo na at kailangan ka ng kaibigan mo. Bilis" pangongonsensya ni ate sabay tulak sa akin palabas.
"Opo sige na ate aalis na, samahan mo kaya ako" pakiusap ko sa kanya.
"Sige na at may mga tutulong naman sayo sa condo patulong kana lang"
"Sige sige na dyan kana nga ate at kailangan ako ng bestfriend ko. Sana okay lang sya" natataranta kong sabi sabay kuha ng susi ng kotse at tumakbo na ng mabilis.
"Bunso ingat lang sa pagdadrive ha, please huwag kang magmamabilis makakarating ka din don" pahabol pa nyang sabi.
Hindi ako mapakali habang nagdadrive dahil kinakabahan talaga ako. Bakit kaya nagkaganon si Ly, baka may nangyari sa kanya sa Bohol, iniwan ko pa naman sya don hays. Kasalanan mo to Jorella Marie.
Pagdating ko sa condo, nagmamabilis na akong umakyat. Kakatok na sana ako ng mapansin kong parang bukas ang pinto. Pinihit ko eto at pumasok na.
Pagpasok ko ang dilim."Hindi ba nagbayad ng kuryente si Ly bakit ang dilim"
Tatawagin ko na sana sya ng --
"Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love"Parang napako ako sa kinatatayuan ko at pinagpapawisan ng malamig ng marinig ko ang boses at ang kantang yon. Kilalang kilala ko ang boses na yon.
Mas lalo pa akong natulala nang bumukas ang maliliit na ilaw na may mga hugis stars at may iba't ibang kulay. Napapalibutan naman ang buong sala ng mga pulang rosas.
All the stars are right
Every wish is ours tonight my love"Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers
You got to believe in magic
Something's stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in love"Umiiyak sya habang kumakanta. Nakatingin lang sya sa akin hanggang sa matapos eto. Hindi ko rin matanggal tanggal ang tingin ko sa kanya at napansin kong may mga maliit na butil ng luha ang pumatak sa mga mata ko.
Lumapit sya sa akin at pinahiran ang mga luhang yon."I'm sorry kung pinaiyak na naman kita and patawad din kung hiniram ko lang ang mga ginamit mong ilaw sa Bohol, wala kasi akong budget bumili ng bago eh. heheh" naiiyak nyang sabi sabay natawa.
Medyo natatawa din ako sa sinabi nya pero pinigilan ko eto. Hinayaan ko lang syang magpatuloy sa pagsasalita.
"Pero hindi ko kinuha yan. Gusto ko lang iparamdam sayo yong hindi ko naiparamdam kung gaano ko na appreciate ang mga ginawa mo that day at sa lahat ng araw. Rose lang ang ginamit ko dahil sa dinami dami ng bulaklak sa mundo, ikaw lang ang nag-iisang bulaklak na nakikita ko" buong puso nyang sabi at ramdam ko ang sinceridad nya pero pinipilit ko pa rin talagang hindi magreact at makinig lang.
"Maraming maraming salamat sa pagtyatyaga mo sa akin, sa pananatili sa tabi ko lalong lalo na noong mga panahong hindi ko na kilala ang sarili ko, at sa mga ngiting binibigay mo everytime binibigyan mo ako ng bulaklak lalo na kapag hindi maganda ang araw ko. Pasensya kana kung nahuli ako pero nandito na ako Ella. Nandito na ako para panindigan ang nararamdaman ko. Hindi totoong si Ella ka lang dahil ikaw si Ella na bumuo ulit sa isang Jessica Margarett Galanza noong winasak ako ng maling pag-ibig"
Lumuhod sya at hinawakan ang kamay ko habang umiiyak.
"I'm sorry kung nasaktan kita pero maniwala ka sa akin, wala ng kami ni Jasmine at wala ng magiging kami dahil ikaw na lang ang nandito sa puso ko" sabay turo nya sa may bandang puso.
"Mahal na mahal kita Ella Marie de Jesus"
Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Patawad din pero huli na ang lahat"
Hi!
Pasensya na po at ngayon lang ako nakapag-update ulit. Sa gabi lang po talaga ang vacant ko at sinulit ko talaga ang bakasyon kasama ang family ko. Sa gabi naman pagod at maagang nagpapahinga. Sana po ay hindi kayo mainip at magsawang sumuporta. Maraming salamat at God bless everyone.
BINABASA MO ANG
You're my Home (Jema and Ella)
RomanceAng sarap magmahal sa taong mamahalin ka rin ng buo na may kasamang respeto, pagpapahalaga at pagtanggap...