Jema's POV
Parang nabingi ako sa huli nyang sinabi. Tumayo ako at naramdaman ko na parang namamanhid ang buo kong katawan. Tulala akong nakatingin sa kanya habang paalis eto.
Pagdating nya sa may pinto, huminto sya at dahan- dahan akong nilingon.
"Pinangarap lang kita noon, mahal mo na ako ngayon, ngayon paba ako susuko, no way" natatawa nyang sabi at pagkarinig ko non, tumakbo na ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang saya ko at naiiyak na naman ako, pati na rin si Ella ay umiiyak na rin. Ramdam kong pareho ang lakas ng tibok ng aming mga puso habang yakap ang isa't-isa. Hinawakan nya ako sa mukha habang titig na titig sa mga mata ko.
"I'm sorry love, niloloko lang kita kanina. Gusto ko lang makita ang reaction mo. Yon na yong huling beses na paiiyakin kita" malambing at puno ng pagmamahal na sabi nya.
Nakikita ko sa kanyang mga mata na naiiyak pa rin sya pero hindi na dahil sa nasasaktan sya but all I see now is tears of happiness.
"Pakiulit nga yong sinabi mo?" hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin.
"Alin yong huling beses na kita paiiyakin?" tanong nya.
"Hindi, ahmm yong love?" nahihiya at kinikilig ko pa ring sabi.
"Oh my god love, namumula ka" natatawa nyang sabi kaya parang lalo tuloy akong namula at nahihiya.
"Joke lang, hali ka nga payakap ulit" at niyakap nya ako ng mahigpit.
Ako ang unang kumalas sa pagkakayap nya at buong pusong nakatingin sa kanyang mga mata. Hinahaplos haplos ko ang mukha nya at dahan-dahang inilapit ang mukha ko.
Ramdam ang lakas ng tibok ng aming mga puso ng dumikit ang aming mga labi. This time no hesitation and hinahayaan lang namin ang aming mga pusong gawin ang gusto nito.
Ang sarap ng mga halik nya na parang nanunuot hanggang sa kailaliman ng aking kaluluwa. Mas nilaliman ko pa ang halikan namin at nakikipagsabayan naman sya. Nalalasahan ko na naman ang cherry na lalong nagpapabaliw sa akin. I don't want to stop pero kung hindi ko pa to titigilan baka kung saan pa kami mapunta at hindi pa eto ang tamang panahon at lugar para don. I will wait for that day yong sigurado akong ready na talaga sya.
Dahan- dahan akong bumitaw sa masarap naming halikan na ipinagtataka naman nya.
"Love are you rejecting me again?" malumanay pero naramdaman ko ang disappointment nya.
"No love, kung pwede nga lang hindi nato matatapos. I can kiss you all day, pero pag hindi ko pa to titigilan, baka kung saan pa to mapunta. I know this is your first time with this kind of relationship kaya I wanted to make things slowly for you. Hindi naman yon ang basehan ng pagmamahal kasi ikaw lang sapat na sapat na. I will wait for the right time, place and moment para don and I will make it very special dahil ganon ka ka-special. I just love you too much that I respect you a lot. Maghihintay ako mahal ko" buong pagmamahal na paliwanag ko sa kanya.
"Thank you mahal sa love and respect and for proving me that a kind of love like this is really worth fighting for" then and there she gave me the most genuine and sweetest smile ever.
Dahil ayaw pa naming matapos ang araw na to, humiga lang kami sa kama habang nakaunan sya sa braso ko at ang isang kamay naman nya ay nakayakap sa akin. Nagkwentuhan kami sa mga nangyari at inexplain ko din sa kanya yong nakita nya between me and Jasmine at kung bakit ko sya nireject the first time we kissed.
"Love pakikurot nga ako please. Para kasing nananaginip lang ako. Napanaginipan kasi kita dati, akala ko totoo pero hindi pala so please, help me realized that this is not just a dream" malambing na pakiusap nya.
Natawa naman ako sa sinabi nya. Hindi ko sya kinurot dahil of course I don't want to hurt my love kahit kaunti lang so instead hinalikan ko sya, isang masarap at mabilisang halik ang ginawa ko.
"Hindi ka nananaginip mahal ko dahil totoong totoo na talaga to. Hmmm ikaw love ha napapanaginipan mo pala ako, patay na patay ka nga talaga sa akin" loko kong sabi at nakurot naman ako ng slight at kitang kita ko ang pamumula nya.
"Ang cute naman mag blush ng girlfriend ko" hays sarap sabihin non, girlfriend.
"By the way love, I have something for you" inilabas ko sa bulsa ko ang isang maliit na box at binuksan eto.
Ella's POV
Isang necklace na may golden heart pendant ang ibinigay ni Jema sa akin pero hindi na sya kalahati dahil buo eto.
"Remember love nong binigyan mo ako ng half heart pendant at ang sabi mo, you hold the other half of my heart and only you can complete it. Eto na love oh, buo na. Ikaw ang kumumpleto sa akin, binuo mo ang nahati kong puso" madamdamin nyang sabi at napaiyak na naman ako dahil sobrang na touch ako sa lahat ng ginawa at sinabi nya.
"You made me the happiest and I am so excited for the days to come dahil alam kong akin kana at akin ka lang"
"I love you so much Jema"
BINABASA MO ANG
You're my Home (Jema and Ella)
RomanceAng sarap magmahal sa taong mamahalin ka rin ng buo na may kasamang respeto, pagpapahalaga at pagtanggap...