Sunday..
I'm on the way sa restaurant na sinasabi ni ate Regz kung saan kami magmemeet. Niyaya ko si love na sumama sa akin pero nangungulit daw si Arielle, nagpapasama at gustong gusto daw mamasyal. Hindi naman nya mahindian dahil nakikiusap talaga, ngayon lang naman daw kasi sya umuwi. Ipapakilala ko kasi sana si Ella kay ate Regz and para malaman din ni love ang tungkol sa business na pinasukan ko. She promised naman na babawi next time kaya hindi na lang din ako namilit.
Pagdating ko don, namangha ako sa ganda ng lugar and its ambience and parang napaka romantic pa.
"Ang galing naman mamili ng lugar ni ate Regz then may music pa na classic jazz"
Ginuide ako ng isa sa mga staff ng restaurant going to our table after I mentioned the reservation.It's a private room but kita naman from the outside. Umupo na ako with my back facing the door.
I am busy scrolling on my phone nang bumukas ang pinto and paglingon ko, to my surprise, hindi po si ate Regine ang pumasok but Jasmine.
"What are doing here Jas? where's ate Regz?" nagtataka kong tanong sa kanya and paalis na sana when she stopped me.
"Jema please don't leave. Gusto lang kitang makausap and please huwag ka din sanang magalit kay ate Regz. Ako ang nakiusap sa kanya for this" paliwanag nya and tumayo pa rin ako but she spoke again.
"Please, just for few minutes only? After this, hindi na kita iistorbohin pa. Few minutes of your time lang Jema" pagmamakaawa nya and nakikita kong naiiyak na sya kaya umupo na lang ulit ako. Medyo nakonsensya din ako sa itsura nya.
"10 minutes Jas"
"Thank you. I haven't had a chance to explain everything to you pero please let me---
"No Jasmine, past na yon, wala ng saysay to bring it over now" pagputol ko sa sinasabi nya.
"Please let me finish. I have more than 9 minutes, right?" tumango na lang ako.
Jasmine's POV
"The best days of my life was when we were together. Alam kong mahirap paniwalaan because of all the pain that you went through, but Jema, I miss you so bad and mahal na mahal pa rin kita at hindi naman talaga nawala yon kahit minsan" tears starting to flow from my eyes.
"I had to hurt you dahil gusto kong patunayan sa mga magulang ko lalo na kay daddy ang aking sarili para hindi na nila pigilan ang pagmamahalan natin. He was sick and one thing he asked me is to run the business dahil hindi na nya kaya at pag nagawa ko daw yon ay papabayaan na nya ako sa lahat gusto ko especially yong sa atin, but I had to gave you up first and sacrifice our love. Nangako din si mommy na tutulungan ako once nagawa ang gusto ni daddy. I worked thrice harder para maging successful and I did kahit it was slowly killing me dahil hindi kita kasama at walang nagpapalakas ng loob ko and to cheer me up during those difficult times but then again nagawa ko dahil ikaw ang inspiration ko. Ginawa ko ang lahat para makasama ka lang nang malaya.
"Pero now, I don't know kung papaano ulit maging deserving sa isang katulad mo, sa pagmamahal mo. Look at me Jema, I'm a total mess. I am very far from the Jasmine na kilala mo. Jema babe, I miss you so much. I would trade anything in the world just to have you back. I'm really sorry for everything and please give me another chance baby" can't control my feelings anymore, iyak lang ako ng iyak.
Jema's POV
Nabigla ako sa mga sinabi ni Jasmine now and seeing her cry hard makes me feel bad for her and I admit nasasaktan akong makita syang ganyan, so helpless and so not the Jasmine na minahal ko. Hindi ko inexpect na ganon pala ang pinagdaanan nya. Nakayuko lang sya habang umiiyak and siguro dahil na rin sa mga pinagsamahan namin dati and sa awa na nararamdaman ko para sa kanya ngayon, hindi ko mapigilang yakapin sya. For few minutes niyakap ko lang sya dahil gusto kong gumaan gaan kahit papano ang nararamdaman nya ngayon. Bahagya syang bumitaw sa yakap ko and nakatingin sa mga mata ko. She's about to kiss me nang pigilan ko sya.
"Jasmine no. I admit nabigla ako sa lahat ng mga nalaman ko ngayon and hindi ko ineexpect na ganon ang pinagdaanan mo and I do sympathize you a lot. I feel bad and nasasaktan ako for you but what happened already happened and wala na tayong magagawa pa don. You could've told me about it at alam mong I was that understanding pagdating sayo dati and I even told you na ako ang mag-aadjust kung ano man yon but you still chose to betray and hurt me big time and besides, I am already in a relationship now. Mahal ko si Ella at hindi ko sya kayang saktan. She was there nong mga panahong bagsak na bagsak ako dahil sa sobra kong pagmamahal sa'yo. I picked up myself Jas slowly and look at me now. Please you have to do the same, forgive and mahalin mo ang sarili mo. Inaamin ko, you will always have a place in my heart but hindi na katulad sa gusto mo" mahaba at may malasakit kong paliwanag sa kanya.
"Jema please, I know you're with someone now but hindi nya kayang pantayan ang kung anong meron tayo, atleast please give me a little chance. Kung hindi man tayo pwedeng bumalik sa dati, tulungan mo na lang akong kalimutan ka dahil hirap na hirap na ako, kahit anong gawin ko hindi kita makalimutan. I even tried to go out with other women pero ikaw at ikaw pa rin ang nandito kaya please Jema yon na lang ang hiling ko sayo" pagmamakaawa pa nya. Para namang may kung anong kumurot sa puso ko sa mga narinig at nakita ko sa kanya.
Fast foward.
Apartment
Nakauwi na ako pero hindi ko pa rin makalimutan ang eksena na nangyari kanina. Yong babaeng sobra kong minahal dati at nanakit sa akin ay halos lumuhod nang magmakaawa para lang balikan ko sya.
Kung noon nya siguro ginawa yon baka naglupasay na ako sa sobrang saya at walang pagdadalwang isip na balikan sya pero iba na ngayon, may Ella na sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ako at pasayahin araw-araw.
Speaking of Ella, kanina pa ako nakauwi and all pero bakit parang hindi nya ako naaalala ah. Wala man lang tawag or ni isang message na hi, hello. Masyado naman ata syang nag enjoy kasama ang Arielle na yon at nakalimutan ako. Matawagan nga."The subscriber cannot be reach, please try again later" uggghh kainis tapos naka off pa ang phone nya. Ano kayang ginagawa ng babaeng yon ngayon, sana naman huwag na nyang dadagdagan pa ang iisipin ko.
Sinubukan ko ulit syang tawagan at nag ring na this time pero hindi naman nya sinasagot. Nakailang ring pa pero wala talaga at sa inis ko naibato ko ang cellphone ko sa kama.
Beep Beep....narinig kong tumunog ang phone ko at kinuha ko naman eto para malaman kung sino ang nag message.
My love: Please give me a break for now and let me rest, I am really tired.
At ganon na lang ang pagtataka ko sa nilalaman ng message ni Ella.
"Why?"
BINABASA MO ANG
You're my Home (Jema and Ella)
RomanceAng sarap magmahal sa taong mamahalin ka rin ng buo na may kasamang respeto, pagpapahalaga at pagtanggap...