Pain in Loving You

1.5K 53 13
                                    

Jema's POV

Pagdating ko sa bar, nakita ko kaagad ang mga teammates ko. Lumapit ako sa kanila at tumabi ka Kyla. Napansin ko naman na wala si ate Ly at ate Ella.

"Besh anong nangyari?" pabulong na tanong sa akin ni Kyla.

"Ayon si Jasmine ang nakita ko at wala sya" walang ka buhay buhay na sagot ko kay Kyla.

"What?" medyo napasigaw na sabi nya.

"Kyla sakit sa tenga, bakit kaba biglang sumisigaw dyan?" inis na tanong ni Tots sa kanya.

"Wala, sorry sorry guys" paghingi naman nya ng pasensya.

"Besh ano ba, sisigaw talaga. Hininaan ko na nga ang boses ko dito. Basta ayun si Jasmine ang nakausap at nakita ko. Saka ko na lang ikekwento yong iba Ky, gusto ko muna uminum" sabi ko sa kanya at umorder ako ng cocktail drink sa waiter.

"Saan nga pala sila ate Ly at ate Ella?" pagtataka kong tanong.

"Ah nandyan lang yon, nag bebestfriend time. Hayaan muna natin sila" sagot naman nya.

Nagkakasiyahan kami sa inuman at kwentuhan nang dumating si ate Ly at inalalayan si ate Ella na parang lasing na lasing at kahit pilit syang ngumiti sa amin, nakikita kong kagagaling lang nyang umiyak. I'm sure pansin din yon ng iba naming kasama.

Kinausap ni ate Michelle at Tots si ate Ly tungkol kay ate Ella pero wala naman syang ibang sinabi kundi hindi sya okay at nagpaalam na sa amin na ihahatid nya eto sa room nila.

"Besh ano kayang nangyari kay ate Ella? halatang galing syang umiyak eh.  Parang naalala ko tuloy dati nong time na ako naman ang umiyak at nandyan sya para sa akin" malungkot at nag-aalala kong sabi kay Kyla.

"And so naniniwala akong eto ang perfect time beshy na ikaw naman ang maging kaibigan at sandalan ni ate Ella. Be there for her katulad ng palagi syang nandyan para sa'yo especially sa mga sandaling may pinagdadaanan ka" seryosong sabi nya sa akin.

"Yes Ky, hindi din naman ako mapakali ang makita syang ganon. Affected din ako sa sitwasyon nya"

"Sige na go, sundan mo na sila"

Umalis na din agad ako para sundan sila. Si ate Ly ang nagbukas ng pinto after ko kumatok.

"Ate ano pong nangyari kay ate Ella? pwede ko ba syang makita at makausap kahit sandali lang, please?"

Parang nagdadalawang isip si ate Ly at pumasok muna ulit saglit. Narinig kong tinanong nya si ate Ella kung okay lang na pumasok ako at sabi nya okay lang naman daw. Kaya pa nya at sya na ang bahala.

Pagbalik ni ate Ly.
"Sige Jema pasok ka. Aalis muna ako ng makapag- usap kayo ng maayos. Try to open your heart and be true to yourself"

Hindi ko maintindihan kung anong ibig ipahiwatig ni ate Ly.

Hays makapasok na nga lang.

Dahan dahan akong pumasok at nakita kong nakaupo si ate Ella at pilit inaayos ang sarili nya pero halatang halata pa rin ang pagkalasing at namumugto nyang mata.

"Ate pwede bang tumabi?" wala akong makitang reaction sa mukha nya pero tumabi pa rin ako sa kanya. Ramdam ko parang ilag sya sa akin.

"Kung ano man yang pinagdadaanan mo now ....

"Jema please" pagputol nya sa dapat kung sasabihin. "I had enough of this night already, hindi ko na alam kung kaya ko pa at kung kaya pang e-absorb ng utak at puso ko ang lahat ng sasabihin mo" malungkot na parang naiinis na sabi nya. Hindi pa sya nakatingin sa akin kapag kinakausap ako.

Nagtataka at nalilito ako sa mga ikinikilos at pinagsasabi nya ngayon. Ako ang hindi maka absorb. Anyare. Inaamin ko nasasaktan ako sa mga ikinikilos nya.

"Ate ano ba talagang nangyari sa'yo? May problema kaba sa akin?" naiiyak na akong nagtatanong dahil affected na ako. Para kasing may kinalaman ako sa kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Do you really want to know huh Jema?  sigurado ka?" cold nyang sagot sa akin.

"Yes ate, kahit ano paman yan. Please naman sabihin mo na. Nasasaktan ako sa mga ikinikilos mo ngayon. Hindi ko talaga makuha at maintindihan kaya please ipaintindi mo naman sa akin" pakiusap ko sa kanya. Parang gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang.

"You happened Jema, you happened" dirichu nyang sabi at tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"What do you mean ate Ella?" nagtataka kong tanong at bigla akong kinabahan.

"Yan Jema, that's exactly what I mean, ate Ella ate Ella. Ate mo lang naman ako, kaibigan, katrabaho at karamay. Kailan mo ba ako makikita more than a friend and a colleague? Nandito lang ako oh pero hindi mo ako nakikita.
Kung hindi mo pa rin ramdam, eto pakiramdam mo" iyak sya ng iyak habang sinasabi ang mga salitang yon.
Kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa may bandang puso nya.
"Ikaw ang tinitibok at isinisigaw nito Jema. Mahal na mahal kita higit pa sa isang kaibigan"

Parang biglang huminto ang paghinga ko sa lahat ng sinabi nya. Nanginginig ang kamay kong nasa dibdib at hawak nya and for the first time in my life, walang isang salitang lumalabas sa bibig ko.

"And, does this looks familiar?" pinakita nya sa akin ang isang half golden heart pendant. "You hold the other half of my heart, and only you can complete it" very emotional nyang sabi.

At don pa lang ako nahimasmasan,
"Oh my god no no no. Ikaw si MJ? and ikaw ang dapat kong kikitain tonight?" hindi ko na talaga napigilang bumuhos ang emotions ko. Hindi ko na kinakaya ang mga revelations nya at nanlalambot ako.

After ko makakuha ulit ng lakas at pinahiran ang mga luha sa mata ko, nagpatuloy ako sa pagsasalita kahit medyo hirap ako dahil sa pag-iyak.

"Bakit hindi ka dumating? Pinuntahan kita, naghintay ako pero saan ka? Almost one hour akong naghintay sayo dahil ang sabi ko ano ba naman ang paghihintay ng kaunting oras compared sa effort na ginawa mo para sa akin. Kaso wala ka di ba?"

"Hindi dumating? really Jema? ikaw ang hindi dumating dahil bumalik lang ang ex mo, nakalimutan mo na ang lahat-lahat. I was there and I saw you together"

Huminga sya ng malalim and continue.

"Nag-alala ako sa'yo kasi ang tagal mong dumating kaya pinuntahan kita sa room mo when I saw you two together. You we're having a good time. That moment I realized, wala akong laban, wala paman talo na ako. Hindi kita maipaglaban dahil wala naman akong karapatan, sino lang ba ako Jema, compared sa ex mo, I'm nothing" bumuhos na naman ang mga luha sa kanyang mata at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado akong nalulunod sa emotions and sa sakit na nakikita ko sa kanya ngayon kaya that moment, I grab and kiss her.

The moment our lips touched, para akong kinukuryente. Siguro nabigla sya dahil at first hindi sya nagrereact and para syang naninigas. I continued kissing her and naramdaman ko na lang na unti-unti na syang nagrerespond.

Oh god ang lambot ng labi nya at ang sarap ng mga halik nya. Nalalasahan ko ang cherry plus mas lalo pa atang sumarap dahil sa naghahalong alcohol at natural taste nito.

Parang nalulunod na ako sa mga  sandaling yon at may kung anong kumiliti sa puso ko ng biglang may na realize ako and it hit me...

Binitawan ko sya and nakita ko ang sakit and pagtataka sa mukha nya. Nakita ko rin ang mumunting patak ng luha sa kanyang mga mata.

"Please get out Jema" puno ng hinanakit na sabi nya.

"Ella"

"Please get out now"

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon