It's About her Again

1.3K 46 7
                                    

Ella's POV

"Come on Ells, you don't deserve this. We're supposed to be enjoying now but here we are, stucked in your room and umiiyak kapa dyan" naiiling nyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman sinabi sa'yo na samahan mo ako, di ba? I said I wanted to be alone" naiinis kong sabi. Hindi ba nya nakikita na nasasaktan ako ngayon.

"Wow is that your way of thanking me after kitang damayan ngayon? Now tell me paano kita pababayaan after what happened tonight" hindi na ako nagsalita pa after sa sinabi nya.

"Okay I'm so sorry sa mga nasabi ko. I should have been more sensitive. Ayoko lang makita kang ganyan, I'm so sorry" dagdag pang sabi ni Arielle then niyakap nya ako. Nararamdaman ko naman yong comfort nya and I admit it, nagpapasalamat na rin ako na may kasama ako ngayon.

Flashback

"What? I can't go to the bar Arielle, mayayari ako kay Jema nyan. May friend ka naman palang kikitain don bakit kailangan pa kasama ako?" nakasimangot kong sabi sa kanya. Paano ba naman, after naming mamasyal kung saan-saan, niyayaya naman akong mag bar nitong babaeng to.

"Okay then let's go get her, isama natin sya. Samahan nyo lang ako, don lang kayo. Please Ells, I don't want to go alone. Paano kapag may nangyari sa akin? Gusto ko lang talaga mag enjoy and sulitin yong time na nandito ako" pakiusap naman nya sa akin. And again ang hirap po nyang kausapin at may kasama pang pangongonsensya kaya wala na naman akong choice kundi pagbigyan sya but if hindi kasama si Jema, hindi talaga ako pupunta ng bar.

"Hays Arielle, ou na sige na. Anyway malapit naman na sigurong matapos ang meeting ni Jema, tara puntahan natin sya para ma meet ko na rin yong kaibigan at kasamahan nya sa business whom I'm supposed to meet tonight din sana kung hindi lang dahil sa'yo" medyo may kasama ding pakonsensya kong sabi.

"Yon naman pala, so let's go get her" excited naman nyang sabi at dinedma lang ang huli kong sinabi.

Wala na akong choice kundi puntahan si Jema. After a few, dumating na kami sa restaurant na sinabi ni Jema na pagmemetingan nila ng ate Regine nya.

"Ells, ang ganda naman dito, parang hindi naman pang business meeting tong place nato, parang pang couple eh" like me namangha din ako sa place and actually may point sya don sa huli nyang sinabi.

"Eh baka gusto nang ka meeting nya ang ganitong ambience. Tara na nga at nang makita ko na rin ang love ko, miss na miss ko na din kasi sya" nakangiti at kinikilig kong sabi.

"Eww Ella ang corny, you're so not like that. Akala mo naman ilang months hindi nagkita" naiiling naman nyang sabi.

Pumunta kami sa reception and binanggit ko naman yong reservation under Jema and Regine's name. I mentioned na kasama ako dapat and sumunod lang ako kaya wala ng maraming tanong pa sakin ng staff and ginuide ako going to their table.

Maganda pala talaga tong lugar nato and may mga exclusive rooms din kung gusto ng may privacy. We stopped in one of the rooms and parang huminto din ang mundo ko when I saw two people hugging each other tightly. Napako na ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa dalawang nagyayakapan. Few seconds pa, a minute pero ganon pa rin.

"Mam excuse me, you can get inside na po" ang sabi ng staff sa akin.

"Ah no hindi na pala miss, Ella let's go" si Arielle na ang nagsalita dahil nakatulala lang talaga ako at hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila.

"Ella I said let's go" hinila na ako ni Arielle and mabilis na lumabas.

"I'll be driving" matigas nyang sabi.

"Please Yelle, I want to go home. Ako naman ang nakikiusap sayo" sabi ko at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mga mata.

Back to Present

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon