Being True to Love

1.6K 50 8
                                    

It's been more than a week na hindi ko nakakausap at nakikita si Ella at inaamin ko miss na miss ko na talaga sya. Pero kung ano naman ang kinatahimik ni Ella ay sya namang tyaga ni Jasmine. Palagi syang nag memessage sa akin and nagpapadala ng kung ano-ano. Sinabi ko nga na huwag nyang gawin yon pero nakiusap sya na hayaan ko daw muna at kahit yon man lang ay masaya na sya. Hindi naman daw sya humihingi ng kapalit at nag-eexpect nang kung ano. Hindi ko na nga alam kung tama ba na pinapayagan ko syang gawin yon pero nagmamakaawa kasi sya na huwag ko naman daw syang pagbawalan at kung wala na talaga syang puwang sa puso ko, tulungan ko na lang syang kalimutan ako.

Ring ring...

"Hello beshy, napatawag ka? Mabuti naman at naalala mo pa ako" may himig tampong sabi ni Kyla pagsagot sa tawag ko.

"Sorry Ky ha, ang dami ko lang talagang iniisip ngayon. May ginagawa kaba? pwede tayong magkita please? Kahit saan mo gusto libre ko" sabi ko naman sa kanya.

"Okay lang yon beshy, ikaw pa naintindihan ko naman palagi. Sige ba, don na lang sa fave resto at tambayan natin. Anong oras?" excited naman nyang sabi.

"Salamat beshy. Maaasahan ka talaga lagi lalo pag libre, heheh. Joke lang. In an hour or two kita tayo ha"

"Grabe ka sakin Je, pagkatapos mo akong kalimutan ng bahagya, ganyan kapa" kunwaring tampong sabi.

"Ou na joke nga lang yon. Sige na Ky, see you bye"

After an hour, nandito na kami sa restaurant and naka order na rin kami.

"Beshy seryosong usapan muna tayo.
May problema ba kayo ni ate Ella? hindi ka naman makapag deny sa akin, kilalang kilala kita at mula pa elementary ay magkasama na tayo. Kitang kita ko din dyan sa mga mata mo" concern na tanong ni Kyla.

"Yes Ky, hindi ko na nga alam ang gagawin ko" at kwenento ko nga ang lahat ng nangyari mula noong nagkita kami ni Jasmine hanggang sa huli naming pag-uusap sa coffee shop ni Ella at pati narin yong mga ginagawa ni Jasmine para sa akin.

"Hindi ako expert sa mga ganyang bagay besh kasi ngayon lang naman ako nagkarelasyon ng seryoso at sa awa ng Diyos hindi ko pa naman nararanasan yong ganyan pero sa tingin ko lang ha mali at unfair kay ate Ella na pinayagan mo si Jasmine kung ano man ang ginagawa nya ngayon. Kahit pa sabihin nya na wala naman syang hinihinging kapalit, binibigyan mo pa rin sya ng pag-asang makapasok ulit sa buhay mo. Not unless gusto mong pumasok nga ulit sya sa buhay mo" nagpause sya saglit then continued.

"Tapatin mo nga ako besh, ginagawa mo ba to dahil na ooverwhelm ka dahil ikaw naman ang hinahabol nya ngayon?" seryoso at may pagdududang tanong ni Kyla sa akin.

"Ky definitely not, never ko naisip ang bagay na yan. Ang totoo naaawa at medyo nakokonsensya lang naman ako kasi marami din pala syang sinakripisyo para sa amin at hindi lang naman nya ako basta iniwan at sinaktan kaya gusto ko lang din makatulong maging okay sya at yon ang sinasabi nyang paraan para mangyari yon" emotional kong sagot sa kanya.

"Naaawa at nakokonsensya ka kay Jasmine pero hindi sa girlfriend mo na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka at handang isakripisyo ang sarili nyang kaligayahan para lang maging okay ang lahat sayo. Baka naman kasi hirap kang pakawalan si Jasmine. Mahal mo paba sya?" mapanuri nyang tanong.

"Ky alam mo naman ang sagot sa tanong na yan" walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya.

"So hindi mo na kailangan pang pahirapan ang sarili mo pati na rin ang taong mahal mo. Tandaan mo besh, sa pag-ibig, kahit gaano natin kaayaw makasakit ng ibang tao, hindi pa rin natin yon maiiwasan dahil hindi naman natin pwedeng pagbigyan lahat at ang puso ay iisa lang. Ang kailangan mo ay ang magpapakatotoo sa sarili mo at sa nararamdaman mo. Kung totoong mahal ka ng isang tao ay maiintindihan ka nya at matatanggap kung ano man ang desisyon mo, gaano man eto kahirap" makabuluhang paliwanag ni Kyla.

"Thank you Ky" naiiyak kong pasalamat sa kanya dahil sa ganda ng sinabi nya, it helped me realize some things. "Akala ko ba hindi ka expert sa pag-ibig, bakit parang mas marami ka pang karanasan kaysa sa akin" umiiyak pero natatawa ko na ding sabi.

"Yan ang natutunan ko kaka wattpad besh, hahah" natatawa pa nyang sabi. "Sige na, do what you have to do baka mamaya huli na ang lahat" pananakot naman nya. Okay na eh.

"Maraming salamat ulit beshy ha. Alam ko na ang gagawin ko" nakangiti kong sabi kay Kyla sabay yakap sa kanya.

Jasmine's POV

Beep beep...

Babe: Hi Jas, pwede ba tayong mag-usap? as soon as may vacant time ka kahit sandali lang.

Yon ang nilalaman ng message ni Jema sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa message nyang yon pero ang mahalaga makikita ko sya.

Me: Pagdating sayo I have all the time in world babe. Please choose the time and place of your comfort.

Babe: If pwede sana tonight. Remember yong lagi nating tinatambayan na golf course sa the Club, may coffee shop don. Maybe at 6 pm if okay lang sayo.

Me: Okay I'll see you tonight then.

Fast forward, at the Club.

Still Jema's POV

Nakaupo kami dito sa may coffee shop. Open area sya sa gitna ng isang golf course.

"Naalala mo ba tong lugar nato babe? Dito tayo unang nag date kasi di ba mahilig ka sa sports kaya sabi ko ma-aappreciate mo dito and ang ganda pa ng paligid" nakangiting panimula ni Jasmine.

"Yes Jas, hindi ko naman makakalimutan ang mga magagandang memories natin together dahil nakatatak na yon sa puso ko" sincere kong sagot sa kanya.

"By the way Jas, please allow me to say thank you. Thank you sa pagmamahal mo, for fighting for us kahit hindi man naging maganda ang nangyari and sa pagsisikap mong makabawi sa lahat" taos puso at emotional kong sabi sa kanya.

"But it is just not enough right? to erase all the pain that you went through because of me" naiiyak nyang sabi.

"Nakalimutan ko na lahat yon Jas and napatawad na kita" maluwag sa dibdib kong sabi sa kanya. "Kaya sana mapatawad mo na rin ang sarili mo nang makapag move forward kana. You're too precious to be stucked here. Maganda ka, very talented, smart and mabuti kang tao ---

"But not too beautiful and not too good for you babe" I feel the pain hearing those words from her.

"I'm so sorry Jas, it is just not meant to be. I don't want to lie to myself anymore and to you dahil lang sa naaawa ako sayo. Minahal kita ng sobra noon at wala akong pinagsisihan don but it's different now, may mahal na akong iba and sya na ang buhay ko ngayon" madamdamin kong paliwanag sa kanya while holding her hands.

Umiiiyak pa rin sya and niyakap ko na lang sya and after some time nararamdaman ko naman na medyo okay na sya.

"Alam mo bang dati pa lang ay mahal na kita. Kaya sobrang saya ko nong nakilala kita in person kahit na it was unusual and quiet weird dahil sa comfort room pa kita unang na meet at nakausap. But still I considered that the best place kasi doon ko nakilala ang taong nagbago ng buhay ko. But I guess fate doesn't always favor us pero wala pa rin akong pinagsisihan coz you gave me the best moments of my life. Thank you Jema" emotional nyang pag reminisce sa nakaraan.

"Yes I couldn't forget how I fall inlove with the writer of that poem na nakita ko sa comfort room. I even dreamed of it" nakangiti kong sabi.

"What poem?" nagtatakang tanong nya.

"Yong sinulat mo na naiwan sa comfort room that time. Remember I asked you about it kung song ba yon or poem then you said it's a poem and sobra mo akong napahanga don" pagpapaalala ko sa kanya.

"Wait I have a picture of it sa phone ko"
nagbrowse ako sa gallery ng phone and nakita ko yong poem na pinicturan ko. Binasa ko eto and wait, I couldn't believe what I've just read.

"Eto yong song na kinompose at kinanta ni Ella sa akin. Oh my god"

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon