Family Surprises and Musikantahan

1.6K 45 4
                                    

Tumingin ako kay Ella after tanungin ni tatay kung may gusto daw ba akong sabihin. Parang hindi naman sya nag-aalala or kinakabahan, but instead ngumiti lang sya sa akin na parang sinasabi nya na go ahead. As for me naman, okay lang talaga dahil tanggap na tanggap naman ako ng family ko and they all love me unconditionally.

Yeah I guess this is the right time to tell them about us since nandito naman na lahat. Tinawag ko naman si Ella para lumapit sa akin.

"Tay, ma, ate Jov and Mafe, since nandito naman na tayong lahat, gusto kong kunin ang pagkakataong eto para sabihin sa inyong lahat na, ammm magmamigrate na po ako sa America" pinigilan ko ang tawa ko kasi seryosong seryoso ang mga mukha nilang nakatingin at nakikinig sa akin. Hindi pa siguro nag sink in sa kanila yong sinabi ko.

"Hahahah, hayuf besh ang galing mo talagang mag joke, tingnan mo hanggang ngayon nakatulala pa rin sila sir Jess, hahahah" tawang tawang sabi ni Kyla. Nang ma realize naman yon nila ate Jov, nabato ako ng unan.

"Jema nak, pag hindi ka nagseseryoso dyan aalis na kami lahat" pagbabanta naman ni tatay. Si mama naman ay tinaasan ako ng kilay at si love pinandidilatan ako ng mata.

"Ou na tay, eto na po talaga. Paano ko ba kasi to sasabihin. Tay kasi si Ella po ay anak nyo sa labas, hahaha" tawang tawa kong sabi sa mga kalokokan ko.

"Love ano?" inis na sabi ni Ella at napalakas pa ang pagkasabi nito.

"Love?" sabay-sabay silang apat na sabihin yon. Bigla tuloy nahiya si love.

"Ang ibig ba nitong sabihin kayo na ni Ella, Je?" nakangiti paghingi ng confirmation ni ate Jov sa akin.

"Ate Jema, sinagot mo na si ate Ella?" excited na tanong ni Mafe.

"Ano anak natulala kana dyan. Ang sabi namin kung kayo naba ni Ella?" medyo inip naman na pahabol ni mama.

Tumango na lang ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit parang iba ang mga reaction nila na parang hindi na nagtataka.

"Yes, yes" lumapit si Mafe sa amin at yumakap. "Sabi sa'yo ate Ella, makukuha mo rin si ate, welcome officially sa family" masaya nyang sabi.

"Maraming salamat Maf" taos pusong balik naman ni Ella.

Sumunod na lumapit sila tatay, mama and ate Jovi.

"Thank you Lord. Congrats sa inyong dalawa mga anak, masayang masaya kami para sa inyo. Salamat Ella anak sa pagmamahal at pagtyatyaga mo sa anak namin" madamdaming sabi ni tatay at niyakap si Ella.

Nakiyakap na rin sila mama and ate Jovi.

"Teka teka, anong nangyayari? masaya ako sobra dahil tanggap nyo si Ella and masaya kayo para sa amin pero may hindi lang ako ma gets sa mga pangyayaring to. Tay, ma, ate Jov paki explain please" pakiusap ko sa kanila. Pagtingin ko kay love masaya sya pero parang nagpipigil ng tawa.

"Kasi naman Jema, kung ano-anong kalokohan ang naiisip mo, sasabihin mo lang na kayo ni Ella, na back to you ka tuloy, hahah" sabi naman ni ate at tumawa ng malakas.

"Masaya kasi talaga kami para sa inyong dalawa at alam naming mahal ka ni Ella at nililigawan ka nya dahil nagpaalam sya sa amin" seryosong paliwanag ni mama.

"Talaga ma? tay? totoo ba to?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ou anak, bago nya pinaalam sa'yo na mahal ka nya, kami muna ang naunang nakakaalam. Hiningi nya ang basbas namin para manligaw sayo kaya saludo kami sa tapang at sinceridad ng batang to. Sino ba namang magulang ang aayaw pa sa ganyan at kaya din namin kilala si Ella dahil nagkita at nagkasama na kami non" paliwanag ni tatay.

Napaiyak na lang ako sa mga sinabi nila dahil hindi ko akalaing magagawa ni Ella yon. Sobra akong na touch at na appreciate ang mga ginawa nya at mas lalo ko tuloy syang minahal. Lumingon ako kay Ella at niyakap sya ng mahigpit.

"Maraming salamat love. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking bagay ang ginawa mong pagharap sa pamilya ko para makuha ang basbas nila at matapang na sabihing mahal mo ako" madamdamin kong sabi sa kanya habang yakap yakap pa rin sya.

"All for you my love, anything for you"

"Group hug everyone" sabi ni Mafe and tinawag ko din si Kyla na nakangiti lang na nakatingin sa amin para sumali sa group hug.

Sobrang saya ko talaga ngayon. Yong mga friends and family na lang ni Ella ang kulang. Sana matatanggap din nila kami para masaya na lahat lalo na kaming dalawa ni Ella.

After ng aming masaya at madamdaming tagpo, lumabas kami at pumwesto sa may gilid ng bahay namin kung saan may mahabang mesa. Hinanda nila mama ang mga dalang pagkain at drinks ni love at nakita kong may bitbit na gitara si tatay.

After namin magkainan, nagkayayaan naman yong dalawa, ang aking ama at ang aking mahal na magkantahan. Si tatay ang naggigitara samantalang si Ella ang kumakanta. Ang saya nila tingnan at ang saya saya din ng puso ko sa mga nakikita ko.

"Psstt besh, masaya ako sobra para sayo. Deserve na deserve mo yan after sa lahat ng pinagdaanan mo. Basta maging masaya ka lang palagi at nandito lang kami susuporta sayo. Nandyan na yong taong pinapangarap mo at totoong nagmamahal sayo" ramdam ang saya sa mga sinabi sa akin ni Kyla.

"Thank you Ky. Wala na akong mahihiling pa. Dasal ko na lang na sana matanggap din kami ng pamilya ni Ella at ng mga kaibigan natin"

"Ou naman, magtiwala ka lang. Mabuti kang tao kaya hindi ka mahirap mahalin at tanggapin ng kahit na sino lalo na nang pamilya ni ate Ella at mga kaibigan natin. Sila yong simula't sapol nandyan para suportahan tayo at tanggapin kung ano at sino pa tayo kaya huwag ka ng mag-alala dyan, mag enjoy kana lang para hindi mo mamiss ang magagandang moments like this" -Kyla

"Anak, may handog daw na kanta si Ella sa'yo. Nagtulungan kami para gawan ng tugtog yong composition nya. Lapit kayo ng kunti dito" malakas na sabi ni tatay kasi medyo malayo ang pwesto nila sa pwesto namin.

"Opo tay, nandyan na" pumwesto na kaming lahat malapit kay tatay at Ella.

Nagsimula ng mag intro si tatay sa pagtugtog ng guitara.

"This is for you love, I love you" sweet na sabi ni Ella sabay nag flying kiss. Awww kinilig ako don.

"I love you too" sagot ko naman at ang mga kapatid ko ay parang kiti kiting kinikilig din sa inuupuan nila.

Song (Own Composition)

"Akala ko noon ay mahirap abutin, ang pinapangarap ng puso't damdamin na pagbigyan mo ng kaunting pagtingin.

Pinagdadasal sa Maykapal, sana ika'y akin, Hindi man sa ngayon ngunit pagdating ng panahon.

CHORUS:

"Pagka't mahal kita, sinasamba kita, pinapangarap at napapanaginip ka.

Pagka't mahal kita, at wala ng iba.
Hindi man ngayon, sana sa tamang panahon"

Naiiyak akong nakikinig kay Ella habang kinakanta nya yon sa akin na puno ng pagmamahal.

"Love sorry hindi pa tapos yang kantang yan, tinatapos ko pa lang. Kakantahin ko ulit yan sayo pag natapos ko na ha, atleast nagawan namin ng tugtog ni tatay, ang galing pala nya"

"Thank you love, grabe ang ganda ng song and excited na akong mapakinggan yan ng buo. Ang ganda, tagos sa puso. Pero love ang weird lang kasi parang familiar sa akin yong lyrics nya. Hindi ko alam paano pero parang nabasa or narinig ko na sya somewhere" napaisip naman ako bigla dahil don.

"Impossibly love kasi ngayon ko lang kinanta yang song na yan at si tatay lang talaga ang gumawa ng music ngayon, yong lyrics lang talaga sa akin at original composition ko yan" paliwanag naman nya.

Ang weird lang dahil parang familiar talaga sya sa akin. Bago pa ako mabaliw sa kakaisip, ibinaling ko na lang ulit ang attention ko sa dalawang taong nagkakantahang enjoy na enjoy.

You're my Home (Jema and Ella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon