Wala nang mas marahuyo pa sa araw na makilala kita
kumakabog ang puso at di maawat ang mga ngiti
hindi man magdikit ang ating mga siko
hindi man mahawakan ng hindi sadya ang iyong palad
alam kong ang mga araw na nakakausap ka
ang nagpapasaya ng labis sa aking puso
alam kong ang pag-ibig sayo
ay hindi ko na dapat ipilit pa
kahit gustuhin mo man ako
pagkat sa ating edad at sitwasyon
ay malabong tayo'y lumigaya
tatanawin na lang kita sa malayo
at iguguhit ang pangalan mo sa milyong milyong tala
sa oras na hindi ako makatulog
pagkat iniisip kita
ito'y hindi pamamaalam at pagtatapat
itoy pagpapalaya ng mga pusong nais magmahal
pagkat labis lang tayong masasaktan
hindi rin naman magtatagal ang iyong nararamdaman
hindi rin naman magtatagal ang aking nararamdaman
pagkat makakakilala pa tayo ng maraming tao
na nanaisin din natin makasama
kagaya ng aking iniisip noong makilala ka
hindi dapat ako umibig sa ganitong paraan
pagkat labis akong nagdaramdam
at isang marahuyo nga ang pag-ibig
na magugulat ka na lang na ika'y nananaginip
sa labis na hiwaga, nakakahiwa
sa labis na saya, nakakadismaya
sa labis na kagustuhan ay nasasaktan
ang ating mga inibig ay hindi mawawala
pagkat naging parte din sila ng ating buhay
kahit na palayain na ang nararamdaman
hindi ko pa rin makakalimutan ang iyong pangalan
at sa pagbasa ko ng aking wika na ito
alam kong ginawa ko ito para sa iyo.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...