Sanay na

148 2 0
                                    

Mukhang kang masaya
Mukha kang maligaya
Mukha kang payapa
Mukha kang ayos na.
Paano naman ako
kung ang puso ko'y nagdurugo sa ngayon
kung isip ko'y di mapanatag
kung hirap na hirap na ako dahil hindi na ako.
Sinta sana sa bawat araw na lilipas kasama mo sya
huwag mo naman sana akong kaligtaan
sana nama'y nakatulong ako sa iyo kahit minsan
sana minahal mo din ako kahit panandalian.
Hindi kana pipilitin pa
kung kasiyahan mo'y nasa kanya
sige at magpakasaya ka
huwag mo akong isipin, dahil ako'y sanay na.
Sanay na sanay na akong mag-isa
Sanay na sanay na akong iniiwanan
Sanay na sanay na akong magparaya
bilang isang nakakatanda.
Sawa na ako sa mga pangako
Sawa na ako dahil ito'y napapako
Sawa na akong maghintay
dahil alam kong ito'y lilisan din naman.
Ang pagdaramdam ko ngayon
ay sana maging pakinabang naman
mahalin ka sana nya at alagaan
kagaya ng panalangin kong sana ako ang nandyaan.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon