Tahimik

40 1 2
                                    

Napakatahimik ng mundo sa paligid
wala na ata akong marinig
tanging bugso na lang ng damdamin
sinisigaw ang pagsukong tagal nang iniinda.

Ngayon't naririto pa rin ako at bumubugtong hininga
tila hapong hapo sa mundong nakakapaso
masakit lalo kapag di inaasahan ang pag dagsa
ng mga tubig mula sa mata, nagpapahiwatig na masakit na.

Ngunit ang malala pa ay pag luha'y di na pumapatak
ninanais na makalipad bigla, ngunit walang akong pakpak
di maawat sa pag iisip, bakit ganito ang daigdig
bakit ako hinahayaang magtiis?

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon