Pangako na lang

98 0 0
                                    

Pangako mo noong hindi ka lilisan
at ako'y hindi mo iiwan
ngayon tanging pangako na lamang
ang natira sa aking isipan.

ang salitang pangmatagalan
ay natapos sa hindi pagkakaintindihan
at hinayaan na lamang
ang mga pusong noo'y tahanan.

Alin sa mga pangako mo
ang kaya mong tuparin
kung ang hindi mo paglisan
ay iyong kasinungalingan.

Ako ngayo'y nagluluksa
sa mga pangakong inilibing katulad ng pagkawala
ng mga halaga ko at tiwala
at ngayon ay nakapako na
sa sakit na ipinadama.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon