Napaka tahimik ng paligid
tila walang mga luhang nagbabadya sa gilid
ng mga matang iniinda ang pag pikit
baka sakaling ang mga luha'y biglang magdikit-dikit.Pinagmamasdan ang kagandahan ng kalawakan
alam kong mararating ko yun, kahit ano pa man
magiging ningning din ako sa kalangitan
tititigan, aawitan, at pupurihan ang kagandahan.Hindi lamang sa ningning, ngunit saking galing
kulay asul ang kalangitan, gayon din ang aking nararadaman
ibahin nyo naman ang kulay, sanay na sa ganitong pinta ang buhay
di na muling makita ang kulay, kahit ano pang kaining gulay.Napakaganda nga ng kalangitan
mararating ko rin iyon, sa oras na di nyo na ko mamataan.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PuisiMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...