Kahit manatili sinta, alam kong mundo nati'y kakaiba
Kahit piliin ka, alam kong pipiliin mo'y iba
Kahit na ganito, pinili kong manatiling sayo
Dahil baka sakaling mabago ko ang nakasulat sa libro.Ang mga tulang inilathala para sayo
Ang mga kaisipang puno ng pangalan mo
Ang lahat ng mga mahihiwagang salitang inalay sayo
Ang mga paborito kong kantang ala-ala mo.Malayo na tayo sa nakaraan sinta ko
Malayo na tayo sa kung saan tayo nagkatagpo
Malayo na tayo sa ating paraisong iniwan mo
At ang bakas ng paa mong mananatili rito.Kita ng mga mata ko ang bakas ng paa mo papalayo
Ang mga litrato ng pagkakatagpo
Ang mga tulang inilalabas ang damdamin ko
Ang pagkasabik na tayong muli ay magtagpo.Tanginang tula na lamang ang panghahawakan ko
Tulang puno ng ala-ala mo
Kasiyahan, kalungkutan, pagkabigo at kung ano pa man
Ang syang tanging inaalay ko, munting ala-ala mo.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...