Mahirap paniwalaan

18 0 0
                                    

Sabi mo hindi moko kayang makalimutan ngunit tila hindi mo na natatandaan. Ang mga oras na winawaldas nating dalawa dahil tila ang isa't isa ang ating pahinga. Ngunit sinta, bakit nariyan ka na naman. Para saan ang pagbabalik mo sa anino ko kung ni minsa'y kahit anino mo'y hindi ko na makita. Napaka layo kasi ng agawatan nating dalawa. Tila langit at lupa, apoy at tubig, ikaw at ako'y kahit kailan ma'y tila hindi mabubuo. Kahit ilang beses pa atang ulitin, bakit ganoon pa rin ang katapusan? Nakita ko na ata ito noon sa palabas hindi ko lang matandaan at hindi ko gusto ang katapusan.
Andami kong katanungang gustong gusto itanong sa iyo. Napakalabo namang gawin ko ito. Ano ba talaga ang wangis mo? Ano ba ang mga paborito mo? Ano na ang nangyayari sa buhay mo? Sino sya at bakit hindi na lang ako? Madali lang kasi para sa inyo, ang magkita at magtagpo. Ngunit kung ako ang iibigin mo, masasaktan lamang kita at mabibigo. Kaya kung totoo man ang mga sinasabi mo, tila hindi ko kayang paniwalaan ang mga ito.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon