Hindi na mababago pa
ang nakaulat na
pagkat pinili nating dalawa
ang mga linya sa pahina.Sinabi mong mahal mo ako
pero bakit andito pa rin
ang sakit na natamo ko
dahil sa pagmamahal sayo.Minsan ninais ko
na sana andito ka sa tabi ko
at maramdaman ang haplos mo
at madinig muli ang boses mo.Ninais kong mapalapit muli sayo
ngunit alam kong hindi na para saatin
ang mga linya sa bagong pahina ng libro
nakalipas na ang panahon, mahaba haba rin yon.Kailangan kong tanggapin
para maibsan ng kahit konti ang sakit
na nararamdaman ko ngayon
at sana bukas ay hindi ko na madama.Sana bukas ay hindi kana maisip pa
Sana bukas ay hindi kana maalala pa
Sana bukas ay hayaan ko na
Hayaan ang puso kong nangungulila, sinta.Hayaan ka nang lumigaya
hindi man sa piling ko
at kahit pa sa piling ng iba
basta makita kang masaya.Tatanawin na lang kita na parang tala
pagkat alam kong malayo layo pa
bago ako muling mapalapit sayo
at yun ay kailangan kong tanggapin, na hanggang tanaw na lang, sinta.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...