Simula una kang makilala
hindi inaasahan na mahuhulog pala
nagsimula sa pagkakaibigan
hanggang sa lumalim na, ang tagong nadarama.Hindi na makaila pa
na ako'y nahulog na
dahilan ng aking saya
kapag ika'y nakikita.Ngunit kay sakit
na ako'y kaibigan lang pala
hanggang doon na lang
ang tinatagong nadarama.Nagtapat noon
ngunit ako'y nabigo
hindi inaasahang mananatili pa
ang tangi kong nadarama.Kapag nariyan ka
kampante ang nadarama
parang nagkakulay
ang matamlay kong buhay.Ngunit hanggang dito na lang pala
at kailangan ko nang dumistansya
dahil may nagugustuhan kana pala
kaya ako'y lalayo muna.Alam kong kahit kailan
ako'y hindi mo maiibigan
ngunit kahit ganon pa man
winika na kita sa Ama sa kalangitan, na ika'y ingatan.At sa pagdating ng panahon
na ang puso ko'y alay pa rin saiyo
sana ay huwag mo na itong durugin
at tanggapin mong buo.At sana ay mapansin mo
na ikaw pa rin ang laman ng puso
kahit na masakit para saakin
hindi ko mabago ang angking damdamin.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...