Ang mawala ka saaking tabi
sa aking pagtulog sa gabi
ay nais kong ikaw ay aking kapiling
at yun ngayon ang aking hinihiling.Wala kana sinta ko
pero ang pagmamahalanan natin ay narito
ang nagbunga ng malaking pamilya
na pinagtibayan nating dalawa.Paano kami? ngayong ika'y lumisan na
at nawalan na nang pintig
ang puso mong wika'y ako ang syang himig
ngayon ang tinig mo'y dinig sa oras na ika'y nais.Balintataw ko syang ala-ala
ang panahong kasama
ikaw na aking sinisinta
ay syang parang nobela.Ang istorya natin
sa unang pagkikita hanggang sa kahuhulihan
ang syang wika sa ating pamilya
mas masaya kung tayong dalawa ang syang magwiwika.Sa bawat pintig ng puso ko
ay ikaw pa rin ang tinitibok nito
sa bawat pag hinga ko
ay ikaw pa rin ang mamamahalin ko.Sinta, idinadalangin ko sa maykapal
na ika'y patuluyin sa pintuan
nang hindi kana muling mahirapan
pagkat puso ko ri'y nasasaktan.Kapag nakikita kang nahihirapan
Kapag nakikita kang gusto mo nang bitawan
Kapag nakikitang nag mata mo'y lumuluha
Kapag ika'y hirap na, bumibigat din ang aking nadarama.Ang puso ko'y hinding hindi bibitaw
at kahit ulit ulitin
ikaw at ikaw pa rin
ang syang pipiliin.Sa bawat bagyo na ating naranasan
Sa bawat ligayang ating nakamtan
ay sya lamang ngayong ala-ala
na aking babalintataw sa oras na gusto kitang makasama.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...