Kung sa lugar na hindi makatotohanan kita matatagpuan
Bakit hinahanap pa rin kita pag gising sa mundo kung saan wala ka namang lugar
Nahuhulog na ata ako sa taong sa panaginip lamang namamataan
Oh, bakit hindi na lang ako pagbigyan?Sa pagbukas ng mga talukap ng mata
Hinahanap ka sa gitna ng madla
Nagbabakasaling makita kita
Ngunit tanda ko, panaginip ka lang pala.Maling mali ako sa puntong tila nahuhulog na
Pinapanalangin habang tumatangis na ika'y hindi panaginip lamang
Pagkat alam kong tayong dalawa'y mayroon nang pagtingin
Sana sa paggising ay aking paring damhin.Damhin ang bawat sandali na kasama kita
Hindi man maalala ang katangian
Ngunit ang pagwaldas ng oras kasama ka
Sana ay hindi na ako magising kailan pa, pagkat dito natagpuan ang ligaya.Ayoko kitang mawala ngunit tila isang kahibangan
Ang mahulog sa kagaya mong di namamataan
Ang imahe mong malinaw pag dilat ay naglahong parang bula
Nalagas na parang dahon na nahulog saaking mukha.Pinamumukhang kahit kailan ma'y ang hiling na ika'y mahagkan, ay kahit kailan ma'y di makakamtan.
Sa susunod na panaginip na lamang kita ulit masisiyalan, kung naroon ka pa man.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...