Hindi hadlang ang edad
sa aspetong magmahal
tayong lahat ay may karapatan
maramdaman ang kahulugan.Labing siyam na taon
ating agwatan
ngunit ito'y di hadlang
sa ating pagmamahalan.Makatanggap man ng pangungutya
at masasakit na salita
ang makasama ka ngayon
ang nakakakampante sa aking puso.Ang dami kong pinagdaanan
hanggang sa sinubukan muli
itaya ang aking puso
sa pag-ibig na mapaglaro.Sumugal at nanalo
at ikaw ay aking premyo
na nais kong makapiling
kasama ng aking mga tsikiting.Mauunawaan din nila
ang halaga ng ating pagiibigan
na hindi dapat ikinahihiya
pagkat ito'y katotohanan naman.Ang mga araw at buwan
na lilipas kasama ka
ay maituturing ko
na isang mahika.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...