Unang kaarawan

56 0 1
                                    

Unang kaarawang wala kana
Unang kaarawang di ka namin kasama
Unang kaarawang ilalathala ko ang mga wika
Unang kaarawang wala ka, at aalayan ka ng tula.

Sana andito ka pa kasama namin ni lola
Sana andito ka pa kasama namin ng pamilya
Sana andito ka pa at marinig ang mga kanta
Sana andito ka pa nang maalayan ka kahit isang tula.

Isang tulang maririnig mo
Isang tula makikita ko, ang kasiyahan sa mga mata mo
Isang tulang hindi magpapaluha sa mga mata mo
Isang tulang hindi patungkol sa paglisan mo.

Wika mo'y mas masaya kung sama sama
Wika mo'y hindi na namin naririnig sa mga oras na ito
wika mo'y hinahanap hanap sa gitna ng maingay na madla.
Wika mo'y matutulog ka lang kaya ika'y namaalam.

Anino mo'y hindi na namin makita
Anino mo'y hinahanap sa gitna ng liwanag ng mga tala
Anino mo'y kahit kailan ay hindi ko nakita
Anino mo'y hinding hindi ko na makikita.

Hinding hindi na ulit masisilayan
Ang mga ngiting kay liwayway
Ang mga ngising kay saya
Ang pagawit mo ng paborito mong kanta.

Naaalala ko pa noon
kay paslit ko lamang
Ay inaalayan ka ng kanta
Ngayon ay mga tula na.

Kung sana sa huling pagkakataon
Ay naawitan ka at nabasahan ng aking mga wika
Mga wikang hinihiling kong naririnig mo rin kagaya nila
Mga wikang alam kong masisiyahan ka.

Sabi nila, sayo raw ako nagmana
Mahilig ka raw gumawa ng mga tula
Ginagawan mo pa daw si lola
Sana ay marinig mo itong aking wika.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon