Manunulat

78 1 1
                                    

Gusto kong makilala ako ng tao dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi sa kung gaano ako kaganda, hindi sa kung gaano kasikat ang apelyido ko, hindi sa kung gaano ako nakakatulong sa iba, at ang kapakinabangan ko. Gusto kong makilala nila ako sa unang pagbasa pa lang ng mga wika ko, at malaman nila na ang mga salitang ito ay lalabas sa isang kagaya ko. Ang maramdaman nila ang comfort sa mga salitang ito. Ang malamang may mga taong ginagawang sining ang isang bagay na nakakasugat at mapanakit.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon