Lilim mo

197 1 0
                                    

Sisilong ako sa lilim mo
ikaw Panginoon ko ang kanlungan ko
Sa bawat pagsubok ng buhay ko
tanging ngalan mo ang tatawagin ko.

Sugat ko'y pinagaling
sa isip at puso ko'y hiling
na ikaw Diyos ko ay makapiling
isama mo ako sa iyong piging.

Mananatili ako sa Iyo Panginoon ko
pagkat ikaw lamang ang sasambahin ko
buhay ko'y mula sa Iyo
at ang tanging alay ko.

Ikaw ang aking tatawagin
at aking kakausapin
ikaw ang kanlungan
sa bawat bagyo at kapanatagan.

Niyakap mo ako Panginoon
sa kabila ng aking karumihan
ako'y hindi mo tinalikuran
sa kabila ng aking kasalanan

Ako'y iyong pinagaling
sa kabila ng aking karamdaman
ako'y iyong tinawag
kapag ako'y nawawala sa daan.

Ang bawat paghinga ko
at pintig ng puso ko
ay inaalay sayo Panginoon ko
oras ko'y ilalaan sa pagsamba sa Iyo.

Ipagsisigawan ko sa mundo
mundong nilika mo
na ako'y para sayo
at ang hiling ko'y makapiling ka oh Diyos ko.

Tula at kaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon