Hindi ko akalaing aabot sa ganito
ikaw tinatangi ko ang sya kong naging mundo
dito ka lang sa piling ko at wag lumayo
kung mangyari man, tiyak ako ay manlulumo.Ikaw lamang tangi, sinisinta kong pithaya
gusto kang laging kasama, ikaw ang pahinga
pagsikat ng umaga, isip ay ikaw sinta
pagmatutulog sa gabi, magpahinga kana.Salamat dahil nandito ka, isang ligaya
Salamat dahil ramdam, ang tanging pag sinta
dito ka lang kahit gaano ako kagulo
manatili ka, ikaw na ata ang mundo.Pag ikaw ang kasama, puso ko ay masaya
mga panahong lumipas na magkasama
ang mga mata mo na ang naging aking pahinga
puso'y kampante pag ramdam ang iyong presensya.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...