Yan na ba ang katapusan
ng istorya nating inumpisahan
sa buwan ng oktubre
siguro ito na nga.Hinihintay ko pa ang pagsapit
ng buwan ng pagkakakilala
pero bakit naman natapos na
hindi ko pa nakakalimutang ala-ala.Hindi na siguro aabot pa
ng pangmatagalan kung nauubos na
ang tinta sa pagsusulat ng istorya
huminto na muna, baka sakaling maiba ko pa.Baka sakaling maiba ko ang ikot
Baka sakaling maiba ko ang katapusan
Baka sakaling maayos pa
O baka sakaling hindi na lang sinumulan pa.Baka sa ganoon ay hindi na nasasaktan pa
Hindi na luluha pa
at baka sakaling hindi na umasa pa
at nagtagal ang nararamdamang hindi pang habang buhay.Ito na ang huling tula na aking isusulat
dahil tapos na ang istorya sinisimulan ko pa lamang iulat
paalam sa lahat pagkat hindi na rin magtatagal
makakalimutan mo rin ang lahat.Malapit na rin ang katapusan
bakit naman bigla bigla at inagahan
Kung kaya pa nating subukan
Kahit alam nating paghihiwalayin din naman.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...