3. Maling Desisyon

253 8 2
                                    

Mitchie:

Halos hindi ako humihinga habang nagsasalita ang parang HR ng pinag-applyan kong Agri-Corp. sa Makati.

Last chance ko na ito, pinalayas na ako ni Tita Jade kanina at wala akong nagawa kundi ang magdala ng ilang pirasong damit na kakasya lang sa backpack ko at mga importanteng dokumento.

Habang iniisip ko kung saan ako pupunta ay nakakita ako ng hiring dito sa Agri-Corp.

Dahil dala ko naman ang mga mahahalaga kong dokumento, nag-apply ako. Diretso exam at interview.

"Miss Abueva, you came from Bulacan. If ever we hire you, are you willing to be assigned in Laguna? Free stay in, free meal..with a lot of benefits."

Laking tuwa ko sa sinabi ng may katandaan ng babae sa harapan ko. Bagamat may edad na ay mapostura pa rin ito.

Matiim siyang nakatitig sa akin kanina pa. Para bang kilala niya ako. O baka napaparanoid lang ako?

Natatakot ako na baka pasundan ako ni Tita Jade at tuluyan ng sirain ang buhay ko. She hates me to death.

Lalo na kanina noong malaman niyang wala na si Althea. Puro pasa ang katawan ko, masakit na masakit ang ulo ko sa pagkakasabunot niya. Mabuti nga at naiilag ko ang mukha ko sa mga kalmot niya.

"Miss Abueva..are you with me?"
untag ng babae sa akin.

"Y-Yes Ma'am. I'm willing to be assigned in Laguna. The offer is quite best."

"Okay, then. You are hired. When are you willing to start?" aniya at sumulyap pa sa backpack kong nasa katabi kog upuan.

"I can start right now, Ma'am."
I smiled at her.

She smiled with me also. Then I initiated a shakehand.

"Our driver will drive us in Agri-Corps  Rancho right now since you are ready."

Tumango ako at sumunod sa kanya palabas.

_______>>>>>>>>>

Kasalukuyan ng nagbabyahe ang SUV papuntang Laguna. Napag alaman kong Mrs.Carina ang pangalan ng HR na naginterview sa akin kanina.

Magkasama kami ngayon at nakikipagkwentuhan siya sa akin.

"Ang haba ng pangalan ng mo, pwede ba nating paiksiin..like...MIMI??"aniya.

Mimi..michaela michelle

Wala sa loob na napangiti ako.

I looked at this seems to be a good woman. "Ang ganda po. I like it."

"I hope you don't mind, Mimi but..
I'm just curious..marami ang pumapasa sa interview pero nagbaback out kapag nalalaman na malayo sa kanila ang work at stay in pa. Pero ikaw..parang okay na okay lang sa'yo."

Nailang ako sa titig niya. "Ahmm..pinalayas na po kasi ako sa amin. N-Nagtanan po kasi ang half-sister ko..at ako ang nasisi. At dahil anak lang po ako sa labas..pinalayas na po ako. Sakto nga po stay in ang work na inooffer ng company."

She nodded at me.

"Are you related to Althea Abueva?"

Pinagpawisan ako ng malagkit sa tanong niya.

May alam ba siya? Kilala niya ba si Tita Jade? Baka matanggal ako sa trabaho.

Napailing na lang ako at napayuko.

"Okay then. I hope you'll enjoy your stay at Laguna."

_________________________________

Halos mapanganga ako sa ganda ng Rancho.

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon