Mimi:
Pinabalik na kami ni Mama Carina sa Manila pagkatapos ng honeymoon.
May condo unit raw sa Makati si Ric at doon kami mananatili habang busy pa sa opisina si Ric.
Hindi na ako pinagtrabaho ni Mama Carina para maasikaso ko ang asawa kong leon sungit.
Kaya ngayon ay mag-isa na lang ako sa condo unit niya.
Iba ito sa condo unit niya na napuntahan ko na dati noong isagawa namin ni Althea ang plano.
Sa Pasay yata iyon habang ito ay sa Makati. Mas malaki itong huli.
Well, the past few days tingin ko okay naman kami. I mean..hindi niya ako masyadong kinikibo which is normal noong hindi pa kami close. Para kaming bumalik sa pagiging estranghero sa isa't-isa. Iniisip ko na lang na mas okay na yung ganoon..yung wala na syang sinasabi na masasakit na salita..yung hindi niya ako halos iniimik..yung parang hindi niya ako nakikita.
Iniisip ko na lang na iyon talaga ang personality niya, katulad noong bagong pasok ako sa rancho ng Sandoval.
Inaasikaso ko siya sa paraang alam ko. Mula sa almusal hanggang hapunan, paghahanda ng mga personal na gamit, pag-aasikaso sa bahay at kung anu-ano pa. Masaya akong gawin lahat ng iyon para sa kanya. Iyon nga lang, siya malamang hindi masaya. Madalas late na siya umuuwi, kahit anong tyaga ko mag-antay sa sala, nakakatulog talaga ako sa sobrang tagal niyang umuwi.
Kaya naman pag umaga, alas tres pa lang ng madaling araw alerto na ang diwa ko. Kasi kahit sa umaga man lang, hindi niya ako matakasan.
I want to see his face, kahit pa palagi siyang walang-emosyon kapag hunaharap sa akin.
Naisipan kong maglinis sa labas at ayusin ang mga halaman na nakatanim sa paso.
Malapit na akong matapos sa pag-aayos nang bumukas ang katapat na unit.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ng lumabas.
Si Althea! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Althea ang nakikita ko.
"T-Thea?"
"Mimi!" patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"How have you been? You look great!" bulong niya.
"Dito ka na nakatira? P-paanong..."
Hindi ako makapaniwala na magkikita kami dito. Ang alam ko ay simpleng tao lang ang Daniel na ikinukwento niya sa akin noon.
Paano maafford ng simpleng tao ang ganito ka-eksklusibong condo unit?She blushed and smiled. "I couldn't believe it also. Matagal na pala siyang hinahanap ng totoo niyang tatay..which is..a multi-billionaire clan. H-Hindi niya lang agad sinabi sa akin. Nanatili siya sa kinalakihan niyang pagkatao. But after our marriage, his Dad pushed him to handle their company and he had no choice but to tell me the story."
I can see true happiness in her eyes.
"Masaya ako para sa'yo, Thea. You really have found the right man for you."She nodded. "But...wait..ikaw? Bakit ka napadpad dito? You also live here?"
Bakas rin ang pagtataka sa maganda niyang mukha habang nakatingin sa akin.
"D-Dito na kami nakatira ni R-Ric."
hindi makatingin kong sabi."Oh my god! Oh my god! What a small world. Unit niya pala yan? Bihira lang kasi kami lumabas ni Daniel. Oh my..
I knew it...may chance talaga kayo since I saw you together..!!!" palatak niya at inalog-alog pa ang balikat ko sa tuwa.Malungkot akong napailing. "It was just a forced marriage for him, Thea. His mother misunderstood what she saw when I was still working with them.." ikinwento ko na doon ako napadpad sa rancho nila Ric noong pinalayas ako ng mama niya. And how things started.
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...