Author's Note:
Sorry. Nahihirapan bumuo ng krung-krung imagination ang mind ko. Sorry for this short and lame update. Hahaha..
Pero once I do have great imaginations again, mag-a-update ako ulit. :)
Thanks a lot for understanding dear readers.
LOVELOTS,
Rusz-Avhin______________________
Mimi:
Kagabi, okay naman si Ric.
Ang sweet pa nga nya di ba?Pero ngayon wala siyang kasinglamig.
Hindi ko tuloy maiwasang manginig nang isinusuot ko na sa kanya ang singsing.
Civil wedding lang ang nagaganap na kasalan sa pagitan namin ngayon.
Parang gusto kong tumakbo palabas at iwanan sila.
Because Ric is back to his old self.
COLD. DARK. FORMAL.
Pakiramdam ko sinisira ko ang buhay niya habang isinusuot ko ang sing-sing niya.
Kaninang umaga may tumawag sa kanya.
Tapos umalis siya.
Pagbalik niya ilang minuto bago ang kasal namin ay ganyan na siya.
Halos hindi siya nagsasalita.
Nang matapos na ang seremonyas at ianunsiyo na ang basbas sa halik, ganoon na lamang ang kaba ko.
Paano kung hindi niya ako halikan? Anong mukha ang maihaharap ko?
Pero nagulat ako nang hapitin niya ako sa baywang at marahang hinawakan sa mukha para mailapit sa mukha niya bago siya yumuko at pinagdikit ang mga labi namin.
"Ayieeee...congratulations..," tili ni Ars.
Inulan kami ng Congratulations hanggang sa reception.
Pamilya lang nila ang nandito.
Mrs. Ric Sandoval na ako.
Pero hindi ko makapa ang kasiyahan dahil doon."Can't you walk faster?" masungit niyang tanong habang nakatingin sa paglalakad ko.
Paalis na kami sa reception para pumunta sa honeymoon.
"S-Sorry." dagli kong hinubad ang heels ko para magyapak at mapabilis ang lakad ko.
Hindi ko naman kasi gamay ang maglakad ng nakaheels.
Patakbo akong naglakad at sumakay sa chopper.
Ramdam ko ang mga pinong pagkirot ng kung anumang natapakan ko.
Pero ang mahalaga wag magalit si Ric.
Halos maduwal ako nang magsimulang umangat ang chopper.
Damn heights. Ayoko talaga sa ganito.
Pero pinigil ko ang sarili ko. Ayokong maduwal sa harapan ni Ric.
Pinili ko na lang pumikit habang mahigpit akong nakakapit sa upuan ko.
Hours later..
Sa wakas ay naramdaman ko ang unti-unting paglapat sa lupa ng chopper.
Isang napakagandang isla ang nabungaran ko.
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...