8. Curious

227 3 2
                                    

Author's Note:

Hi dear readers!
Sorry sa late update.

Tinatapos ko kasi ang "SMTMTE"(Something More Than Meets The Eye) kaya nadedelay ako mag-isip ng scene dito kay Mimi.

Hopefully..wag kayong magsawa. :)

I love you all. And thanks for the ever duper support.

Lovelots,
Rusz-Avhin
--------------------------------

Mimi:

Nahihirapan akong makatulog kaya bumaba ako para uminom ng tubig.

"So, poor Kaleb huh."
halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita.

Nasa counter pala siya at umiinom ng beer?

"Ho?" takang tanong ko.

"I mean..you are dating someone else. What about Kaleb now?"

Napatitig ako sa kanya. As usual ay walang kaemo-emosyon ang mukha niya.
"E-eh pamilya po ang turing ko sa kanilang lahat..g-ganoon din naman po sila sa akin."

Ano ba yan, halatadong natetense ako sa presensya niya. Stammer pa more! Ugh!

He smirk. "Really now? Paano yan, hindi na kayo makakapagdate ng manliligaw mo kapag nasa Bicol na tayo?"

Kinakausap niya talaga ako? Totoo ba 'to? Concern siya sa kahihinatnan namin ng imaginary date ko?

"M-Magagawan niya naman po siguro ng paraan.." Aish! Ars..ang hirap naman magsinungaling. Naguguilty ako kahit hindi naman big deal.

"Well then, let's see." aniya bago tumalikod.

Napilitan na rin akong bumalik sa kwarto ko kahit na gusto ko pa sana ang pag-uusap na iyon.

--------------------------------

Nangangawit na ako sa pagkakaupo sa sasakyan.
Pero wala pa rin yata kami sa kalahati ng byahe. Grabe!

Ganoon kalayo ang Bicol?

Tss. Idagdag pa ang ubod ng tahimik na si Ric Sungit.

Kanina pa panis ang laway ko. Nagpanggap na nga lang akong tulog eh..kaso kanina pa yun'

Nangangawit na ako kakapikit.

Hays!

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

"You're hungry?"

Nagulat ako sa tanong niya.
Marunong pala siyang magsalita sa byahe? Wow!

"Ahmm..m-medyo po. K-kayo po ba?" Shete! Kalma Mimi.
Nagtatanong lang siya. Bakit kailangan mong mautal?

He eyed me with a knot in his forehead. "Do I look scary or something?"

"P-po?"

"Tss. You seem scared at me. But you are so cool to others. Why is that?"

Uminit ang pisngi ko. Takte naman! Bakit ang diretso niya kasi?

Anong isasagot ko?
Itatanggi ko ba o aaminin ko?

"Nakakatakot naman talaga kayo, Sir." natutop ko ang bibig ko dahil sa nasabi ko.

Patay! Mali na naman ang naisagot ko.

His laughter surprised me.
"So honest huh? Well, partly my fault. I'm sorry. I admit I am rude to you at times."

Totoo ba ang narinig ko? Umamin siya na masungit talaga siya at nagsorry pa??

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon