27. Can't disappear...

214 4 0
                                    

(Just like the other chapter, this is a flashback at some memories..kalma lang kayo dear readers...malapit na sila ulit magkita ni Mimi..okay,?! :). )


---------------------------

Ric:

Pero nang makita ko ang bahagyang panginginig niya at ang takot sa mga mata niya, umahon ang galit sa sistema ko.

Pati si Althea, iginapos rin huh?! Akala ba ni Jade Abueva maniniwala ako sa pakulo niyang ito?

Never!

Damn that Jade Abueva! Anong plano niya? Bakit binuhay nilang muli si Mimi bilang red lady?

Nagka-ideya ako nang ilabas ni Mimi ang kahon kung saan nakalagay ang tsinelas na natangay niya sa condo ko sa Pasay noon.

"Alam kong alam mo na ngayon kung sino ako sa simula't simula ng pagkakakilala natin."

My jaw automatically clenched.

I got it. Jade Abueva wanted me to hate Mimi. She used Althea too? Tsk.

"Oo Ric. Ako iyong babaeng nagsagawa ng plano para mahuli tayo ni Althea sa condo mo sa Pasay. Kung bakit ko ginawa iyon? Galit ako sa kanya. Galit na galit ako kasi ni minsan hindi ako itinuring na anak ng tatay namin. I was nothing but an illegitimate daughter. While Althea? She had everything I ever dreamed of...a complete family..good life..and you..one true love."

Alam ko kung gaano kahirap para sa kanyang sabihin iyon.

She loves Althea so much. She could never hate her half sister. To the point that she became a martyr giving Althea everything she could give. Even granting Althea's out of the world stupid wishes..

"I envy those so much. She talks about you always. Pati yung proposal mo na tinanggihan niya kasi hindi pa siya ready. I wanted to ruin her life. Kaya nagplano ako, nag-stalk sa mga gamit niya..and the plan brought me to your company's event. We saw each other and ended up in your room. And I succeeded. Althea caught us together in your room."

Althea cried and tried to scream..

Siguro para wag nang dugtungan pa ni Mimi ang mga kasinungalingang sinasabi niya sa akin.

Nakuha pa niyang ngumiti kay Althea..as if reassuring her that things will get better if she continued with Jade Abueva's plan.

I knew it. Jade Abueva and her gang was just hiding somewhere. Listening.
Watching.

"If that's your plan, why did you left that night?"

I couldn't help but interrupt.

"Ahmmm..n-nagbago ako ng plano! Tama. Yon nga." She stuttered and couldn't even convinced herself to what idea she came up with.

My brow shot up at that.

"Nagplano ako ng panibago pagkatapos ng gabing iyon dahil..hindi pala ako makukuntento sa ganun lang kaya nag-apply ako sa Agri Corp. "

If this was not a matter of life and death moment, I would probably be amused at how she sucks in creating lies and alibis. She's not really a good actress.

"And the plan went on. Nakuha ko ang loob ng mama mo at umayon sa akin ang tadhana hanggang sa maikasal na tayo.." The last sentence she said knocked me down. Kung hindi ko lang nalaman agad ang katotohanan nito lang nakaraang araw, baka paniwalaan ko talaga siya sa mga sinasabi niya. Not because she's good at it. But because I was fearing that idea so much.

I was too guilty about it. Dahil aminado ako na sa parteng iyon, hinusgahan ko siya noon. I hated her because of that idea.

I was too affected by that simple thought. Na baka sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya, baka ginagamit niya lang pala ako. Baka guni-guni ko lang ang atraksyon at pagmamahal na nakikita ko sa kanya sa tuwing tinitingnan niya ako.

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon