Mimi:Promise! Unti na lang talaga at pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng oxygen. Idagdag pa na katabi ko sa kanan ko si Ars na halatang natetensyon din sa nangyayari.
Anong isasagot ko?! Kapag sinabi kong hindi ako muslim, magiging oa ang shawl kong suot ngayon.
Kapag sinabi ko namang oo..
Baka kung anu-ano pa ang itanong niya tungkol sa pagiging muslim at tiyak namang hindi ko iyon masasagot.
"Ay hindi po siya muslim Sir Ric. Conservative lang po talaga yang pinsan ko kaya ganyan po ang fashion niya." Nakahinga ako ng maluwag nang si Ars ang sumagot para sa akin.
Tiningnan ko si Ars at nagpasalamat sa pamamagitan ng tingin. She winked at me. Lukaret talaga!
Ni hindi bumaling si Ric sa kanya.
Nakatuon pa rin sa akin ang atensyon.
Halos hindi niya na ginagalaw ang pagkain niya.
"How long have you been staying in Pampanga?" He threw a question again.
"Pasenya na po kayo at medyo mahiyain po talaga ang pinsan ko kaya tahimik po siya. Plus masakit pa po yung lalamunan niya gawa ng panahon.." Singit ni Ars nang ilang mahabang sandali na naman akong hindi nakasagot.
Binalingan siya ni Ric at bahagyang sinimangutan.
Tumango-tango ako at napahawak sa lalamunan ko. I tried to smile a little. Bahagya kong nasagi ang kwintas sa leeg ko at nag-panic nang maalala ko na ang pendant niyon ay ang wedding ring namin ni Ric!
Dagli ko iyong ipinasok sa bestida at tinabunan ng shawl. Sana walang makapansin. Alam kong hindi basta-basta ang singsing na iyon kahit oa madalian ang naging kasal namin ni Ric noon.
"Ric hijo, kamusta na ang paghahanap kay Mimi?" Bigla ay tanong ni Mama Carina sa hapag. Muntik tuloy akong masamid.
Nagkibit-balikat si Ric. "May lead na akong nakuha sa mga tao ko Ma.."
Napainom ako ng tubig. Paanong may lead na siya?! Sa Pampanga? Kila Maleng? Kung nasundan na ako ng mga tao niya..does that mean he knows who I really am right now---even having my disguise?
Nag-angat ako ng tingin at si Ric ay may multo ng ngiti sa mga labi niya habang nakikipag-usap kay Mama Carina.
Nang bumaling siya sa akin ay napaiwas agad ako ng tingin. Damn this heart. Ayaw tumigil sa mabilis at malakas na pagkabog.
Malaki ang ngiti ni Mama Carina sa sinabi ng anak. "Mabuti naman kung ganoon. Aba'y miss na miss ko na siya hijo. Kung sana ay hindi siya masyadong mapag-alala sa mga bagay-bagay ay hindi siya aabot sa punto ng paglayo."
Alam nila ang dahilan ng paglayo ko? Dahil naguilty ako sa nangyari?
"I miss my wife..terribly. And this time I'll make sure she won't ever leave us again."
Halos pagpawisan na ako. Bakit ganoon? Hindi ko mapaniwalaan ang kasamang sakit at pangungulila sa boses ni Ric nang sabihin niya iyon Totoo ba iyon o dinadaya lang ako ng imahinasyon ko?
Bumaling sa akin si Mama Carina. "Oh Mica..pasensya ka na sa usapan. You know, my daughter-in-law went away a couple of months ago. And we missed her so bad. Anak na ang turing ko sa kanya sa simula pa lang." .
"Pasensya ka na. I really get emotional whenever we remember her. All the time, actually."
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Pakiramdam ko ay napakaswerte ko na imbes na magalit sila sa akin ay heto at hinahanap pala nila ako.
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...