4. Ric Sungit

276 8 4
                                    


Dedicated to @jonalynbolbar

"Wow..Ate Mimi you're so cute.."bulalas ni Charlie habang tinitirintas ng kakambal niyang si Charie ang mahaba at itim na itim kong buhok.

Anak sila ni Ate Maricar na nagbabakasyon ngayon sa Rancho.

Kapag wala na akong trabaho sa rancho ay nakikipagbonding ako sa kambal na ubod ng cute.

Napangiwi ako sa salamin na hawak ni Charlie sa harap ko. Mukha akong bata na Betty La Fea kahit wala akong braces at salamin sa mata. Nilagyan kasi nila ako ng full bangs. Aish.

Ewan ko ba naman kasi sa super cute na kambal na'to..paboritong laro ang modeling. Si Charie, rumarampa..tapos si Charlie nagpipicture gamit ang pang professional camera niya. Imagine that? Laruan lang niya yun?! My gulay!

Pero ngayon..kasali na raw ako. Tinuruan pa ako ni Charie kung paano raw maglakad ang model. Aish. Hindi ko naman mahindian..kasi ang charming charming nila pareho. Gusto ko silang masaya lagi. :)

"Kinawawa niyo na naman si Ate Mimi niyo.." tatawa-tawang sumulpot sa gilid si Kuya Matt Paul. Kuya ni Ric. Isang linggo mahigit na yata ako rito, tapos noong isang araw lang bumalik galing France ata si Kuya Matt. Mula noon lagi siyang nakikipagkulitan sa'kin kapag wala si Ric. Kuya na lang raw ang itawag ko sa kanya.

Naglambing na ang kambal sa Tito Matt nila.

"Kawawa raw pero tawang devil ka d'yan.."

"Kahit anong awa pa ng tao..kapag napatingin sa full bangs mo tsaka sa dalawang hati mong nakatirintas na buhok..--"nauwi na ulit sa halakhak ang sinasabi niya.

Napailing ako. "Tsk..wala ka talagang magawang matino. Dun ka na nga..may fashion show pa kami.."bahagya ko pa siyang tinulak.

NafreeZe ang ngiti ko nang may magsalita sa likuran.

"Is that how you treat one of your boss? Very rude..Mimi." Sino pa nga ba, eh di si Ric. Paglingon ko sa kanya, ang sama ng timgin niya sa'kin. Shit! Ano na namang nagawa ko? Lagi na lang siyang nakakahanap ng maipupuna sa'kin.

Pero nakakatanga lang..kasi kinikilig ako sa pagbanggit niya ng Mimi. Aish. Baliw na ata ako..

"Ikaw naman Bro, pinapamihasa mo naman kasi.."
Baling ni Ric sa Kuya niya.

"Chill Bro.."nakangiting sabi lang ni Kuya Matt.

"Tss.." umalis na bigla si Ric.

"Magkapatid ba talaga kayo?"

Tumango si Kuya Matt.
"Eh bakit ikaw tapos si Ate Maricar mabait.?"

"Ganun talaga. Nasalo niya lahat ng biyaya eh. Kaya nagsusungit."

Napamake face ako. "Eh bakit kayo?"

"O wag mo na akong titigan. Alam ko ng gwapo ako."

Hinampas ko siya. "Labo mo talaga kausap..Siguro..bading si Ric noh..hahahaha"
Malademonyo kong tawa.

"Huuuyyyy..wag kang maingay. Narinig yata ni Ric boses mo. Hala ka.." siko niya sa'kin. Pasimple niyang itinuro yung swimming pool na malapit sa pinagkukumpulan namin.

Pakiramdam ko lalabas na sa rib cage ko ang puso ko sa sobrang kaba. Matiim siyang nakatitig sa direksyon namin.

"Tara na sa loob kids.."akay ko bigla sa mga bata at narinig ko na naman ang halakhak ni Kuya Matt.
________________________________________

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon