7. Date Kuno

227 4 4
                                    

Mimi:

"Ars!" bigla kong napahid ang mga luha ko. Nakalimutan ko palang ilock ang kwarto ko ?

"Uyyy..anong problema? Bakit ka umiiyak?"concern na tanong niya.

"Ars.." napahagulhol na ako ng iyak..

Niyakap niya ako. "Hey..ano bang nangyari??"

"B-baka malipat ako ng branch. S-Sa Bicol daw. Ric wanted to get rid of me so much. "

"Ano?! Bakit naman ganoon.whaaaa...Mimi..tayo lang ang normal dito. Tayo lang ang magkakaintindihan. Paano na pag aalis ka..?"

Napangiti ako sa sinabi niya.
"Normal ba tayo?"

Tumango siya. Napapaluha na rin. "Mimi..mamimiss kita."

"Me too. Gala tayo bukas?" aya ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya. "Sure. Like ko yan. Off naman natin bukas eh."

Natigilan kami nang may kumatok.

"Tita Carina.." bati ko nang mapagbuksan ang kumatok.

"May pag-uusapan tayo, Mimi. Ars, excuse us. Ibabalik ko rin siya sa'yo."
nakangiting sabi ni Tita Carina.

Dinala niya ako sa study room.

"Bakit ka umiyak?" she asked bluntly.

"HO?!" nagulat ako sa pagkadiretsa niya.

"Don't deny it. It's pretty obvious."

Natigilan ako. "Wala lang po ito Tita Carina. Ang totoo po..n-narinig ko kasi na malilipat ako ng branch. Mamimiss ko lang po kayong lahat dito sa rancho."

"S-Sorry po pala kung..narinig ko iyong usapan niyo." nakayuko kong paumanhin.

Hinawakan niya ako sa balikat. "Alam ko ang nararamdaman mo para sa anak kong si Ric.."

Nalaglag ang panga ko sa tinuran niya.
"W-Wala po..h-hindi po Tita Carina.."kaila ko. Ni hindi ko pa nga maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko eh.

"Enough of the denial, hija. I want you for my son. Kaya sinadya ko siyang painan para dalawa kayong mapunta sa Bicol. O di ba..nakakakilig!" saka siya tumawa na parang villain.

Hala? Anyare kay Tita Carina?

"heheheh...ang galing po. Ang galing po ng joke niyo." napilitan akong tumawa.

"Mimi..ano ka ba? Seryoso ako. I really..really want you for my son. Kasi alam mo, kakaiba sa'yo ang anak ko eh. Nawawalan siya ng kontrol. Nagugulo mo ang sistema niya. Isn't it amazing?"

Tumawa na naman siya na parang kinikilig.

Nawawalan ng kontrol? Anong nakakakilig dun? Isang insekto nga yata ang tingin sa akin nun eh.

Frustated na naupo si Tita. "Oh my God! Virgin problems. Wala ka yatang nagets sa nga ipinupunto ko."

Napatango lang ako at tagilid na ngumiti.

"That's why I like you. Hmm..anyway..basta ang mahalaga, dalawa kayong magbebase sa Bicol. And during that time, Mimi, make him fall for you harder..deeper..helpless. Gumawa kayo ng baby. Excited na ako."

----------------------------------

Hindi ko na sinabi kay Ars ang mga napag-usapan namin ni Tita Carina. Isa pa ay baka ginugoodtime lang ako nun. Ang mga mayayaman talaga. tsk!

Nasa mall kami ngayon ni Ars.

"Alam mo Mimi..gagawan ko talaga kayo ng story ni Ric. Sigurado ako magiging bestseller yun!"

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon