26. Ebidensiya..

208 4 0
                                    

Ric's POV:

Bago ang kasal namin ni Mimi sa huwes, ibinigay sa akin ng detective ang background file ni Mimi.

Mahal ko na siya noon kahit ilang ulit kong pinigilang mahulog ang sarili ko.
Pero may mga bagay na hindi makapagpatahimik sa akin.

Abueva ang apelyido niya. Pero ni hindi ko matandaang naipakilala siya ni Althea sa akin kahit noon pang mga bata kami.

Pamilyar ang mukha niya sa akin..
Pamilyar ang inosente at tila nag-aalangan o di kaya ay nasosorpresa niyang mga mata..

Pamilyar ang amoy niyang nakakahalina..

Pamilyar ang boses niya.

Pamilyar kung paano niya guluhin ang sistema ko.

Pamilyar kung paano lumalakas ang kaba ko tuwing nakikita ko siya.

Pamilyar kung paano bumibilis ang paghinga ko kapag malapit siya.

Pamilyar kung paano siyang tumatakas sa mga titig ko, sa mga pang-uusig ko..at sa mga pang-aakit ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit pamilyar siya.

Kaya pinaimbestigahan ko siya. Then Eureka! Magkapatid pala sila ni Althea. Nang makalipat kami sa bagong condo ko sa Makati, isang araw ay pabalik ako sa unit namin dahil may nakalimutan ako.

I saw Mimi and Althea talking. They seemed too close. Namalayan ko na lang na wala na pala akong galit sa kanya. Funny. All I can feel is this freaking love shouting inside of me.

Wala akong makitang dapat niyang ikatakot sa nakaraan niya kung ang pagiging Abueva lang at kapatid ni Althea ang dahilan. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi niya makuhang sabihin ang lahat.

Hinihintay kong ipagtapat niya sa akin iyon dahil ako mismo hindi ko na maintindihan kung saan napunta ang pagkamuhi ko sa katotohanang magkapatid sila at itinago niya lang iyon sa akin.

Pero wala. Ni hindi siya makapagsalita tungkol sa pamilya niya. Hindi ko maintindihan kung nahihiya ba siya na anak siya sa labas o ayaw niya talagang maging parte ako ng mundo niya katulad ng kung paano siya parte ng mundo ko.

She's just so unfair.
Naguguluhan ako.

Pilit kong pinagdudugtong-dugtong ang mga nangyari. Ano ba talaga ako sa kanya? Mahal niya ako pero ang daming nakakubli sa pagkatao niya at hirap na hirap akong tuklasin iyon.

She's like that lady in red I met. Who barged in-in my life with just one night and let me think about her countless times.

Ang daming ideyang naglalaro sa isip ko matapos ko silang makitang nag-uusap ni Althea. Constant pa nga ang communication nila! Alam kong si Althea ang " Sis A" na nakasave sa contacts niya. That's the same digits Althea use eversince. Noon ko pa chinecheck ang cellphone niya dahil wala naman iyong password. Kaya mula sa simula ng message thread nila ni Althea ay nabasa ko na bago pa mangyari iyong pang-aagaw ko ng cellphone niya sa kotse ko. Madalas rin silang magtext ni Ars at ni Maleng.

Alam kong marami akong stolen shot sa gallery niya mula pa noong nasa Laguna kami. Pero mukhang nakatuwaan niyang mag-edit minsan dahil bago sa paningin ko ang mga picture kong may lion head nang araw na iyon.

The day before we had that leisure trip, I found out everything I am looking for.

Althea...Mimi...
Ugh! Something's weird.

Idagdag pa ang pagsunod-sunod sa whereabouts ko ng mama ni Althea.

Wala akong solidong sagot na makuha.
There's really something I need to find out.

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon