10. Changes

217 2 0
                                    

Dedicated to my ever loyal and updated reader @michaela19michaela

Thank you! <3

_______________________________

Mimi:

"Mimi, come on.." tinig yon ni Ric.

Pinapasakay niya ako sa kabayong nasa harapan ko kung saan nakasakay na siya.

Ililibot niya kasi ako sa planta na nasa dulong bahagi pa umano mula bahay na kinaroroonan namin.

Nagkaroon ng aberya ang sasakyang ginagamit umano nila sa hacienda at planta.
At iisa lang ang kabayo na pwedeng sakyan dahil maliliit pa ang iba.

"Pero kasi..nakakahiya naman na-"

"Ssshhh. That's nonsense. Come on. I'll show you around.." inilahad niya ang isang kamay niya.

Napilitan akong tablahin ang hiya na mapadikit sa kanya dahil mas nahihiya ako sa ngiti niya at sa kamay niyang nakalahad.
"S-Sige."

Inalalayan niya akong makasampa sa likuran niya sa kabayo.

Sa simpleng paglapat pa lang ng palad niya sa palad ko ay ramdam ko na ang libo-libong daloy ng kung ano.

I heard a low laugh from him.
"Seriously, Mimi? You're shaking."

My face burned in shame. "H-hindi naman ah."

"Yes you are. Why? Are you still afraid of me?" he asked.

I tried to smile and hide my conciousness.
"Basta ba lagi kang ganyan kabait..hindi ako matatakot."

"Good. Now, come nearer and make sure you're ready."

Pumikit na lang ako bago umusog pa papalapit. Parang kulang na lang ay yakapin ko ang likod niya sa sobrang lapit namin.

Muntik akong malaglag sa gulat nang alisin niya ang mga kamay ko sa renda ng kabayo at ilagay sa tyan niya ang mga iyon.

"You have to hold on tight, Mimi so you won't fall." patag ang boses na sabi niya.

Habang ako? Kulang na lang maghyperventilate sa likuran niya dahil sa sobrang kaba.

Para saan kaya ang kirot na unti-unting tumatatak sa loob ko dahil sa sinabi niya?

Hold on tight so you won't fall..

Bakit? Kasi wala namang sasalo sa akin kapag nahulog ako?

Lihim akong napabuntung-hininga.
Yeah right. Hindi niya ako sasaluhin.

Kaya hindi tama na nararamdaman ko lahat ng ito.

Attracted lang ako. Di ba?

"This is where we grew up." Napukaw ako noong nagsalita siya habang mabilis na tumatakbo ang kabayo.

Itinuturo niya ang mga direksyon na kailangan kong tandaan.

"Talaga? Akala ko sa Laguna."

"Nope. Lumipat na lang kami roon when an..accident happened. When Dad died because of a very crucial accident."

I sensed pain in his voice. Pinili ko na lang manahimik.

Tinapik ko ang balikat niya ng marahan.

Lumingon siya sa akin dahil doon at nahigit ko ang hininga ko dahil napakalapit na ng mukha namin.

Wala sa sariling napatitig ako sa may katamtamang pula niyang labi.

My heart started pumping up so fast again.

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon