Mimi:
The following weeks are busy. Lahat ng detalye sa kasal ay ginagawa ng pinal.
Two months from now ay mangyayari ang isang grandyosang church wedding.
Lahat ng kinuha nilang coordinator ay nakakalula ang talent fee.Gaano ko man sila pigilan ay hindi ako nanalo.
We are now doing the prenup photoshoot.
Nakasuot ako ng peach dress na may iilang floral prints sa laylayan.
The photographer asked me to walk slowly, habang mabagal ring lumalapit si Ric. Nasa isang resort kami sa Laguna.
His smile is wide and light.
Nang makalapit na kami ng tuluyan sa isa't isa ay masuyo niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
He surveyed my face and he gulped.
"Ang tagal matapos nitong shoot, I want you so bad again, my wife."
he whispered.Kinurot ko siya ng bahagya at humahalakhak niya namang hinuli ang kamay ko.
"That's it. Yes. Perfect." the photographer interrupted.
Marami pa kaming inasikaso ngayong araw bago natapos ang lahat.
Alas cuatro na bago kami nakabalik sa
mansyon ng Sandoval.It was a very tiring day kaya naman agad kaming nakatulog ni Ric.
Naalimpungatan ako dahil sa isang kalabog. Madilim na sa labas. Si Ric ay mahimbing pa rin ang tulog.
Bumangon ako para sumilip sa teresa ng kwarto ni Ric.
Napundi na yata ang ilaw dito kaya puro dilim ang nakikita ko.
Tuluyan na akong lumabas sa terrace. Tinanaw ko ang liwanag sa garden at sa iba pang kabahayan dito.
Ang sarap pagmasdan ng mga ilaw.
May kaluskos akong narinig sa likod ko. Napangiti ako at hindi na lumingon. It's probably my husband.
My heart is full of gratefulness. God gave me such a beautiful life with beautiful people who truly loves me.
Nagulat ako sa isang marahas na pagpalibot ng bisig sa leeg ko. Sinasakal ako!
Nagpanic ako at nagpumiglas. Nanlaki ang mga mata ko nang bahagyang masinagan ang isang pambabaeng bisig. Kinilabutan ako sa takot.
Iisa lang ang taong pumasok sa isip ko.
At base sa galit at tindi ng pagkakasakal sa akin ay halos makumpirma ko na.
Nandito si Tita Jade!
Halos walang lumabas na tinig sa akin sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya.
"Sisiguraduhin kong mamamatay ka na ngayon." she angrily whispered.
Nagpipiglas ako pero lalo lang akong nanghihina at nauubusan ng hangin dahil doon. Nasa likuran ko siya kaya naman buong buo ang pwersa niya sa pagkakasakal sa akin.
"Hindi ako papayag makulong nang tuluyan hangga't hindi ka namamatay. You can't have your happy ending." tumawa siya ng tumawa.
Ilang saglit na lang at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin.
Maybe I can't really be happy for life. Just thinking about leaving my husband for good kills me already.
My tears flow so much. Gusto ko na lang iiyak lahat.
"That's right. Cry, Michaela. Cry hard." she insanely laughed again.
"Get you hands off my wife or you'll regret it."
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...