"Fudge!" I silently groaned in pain.
Ang sarap magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan at sakit."Damn it, woman! So careless." he said while helping me to stand up.
"O-Okay lang po ako, Sir Ric." pag-iwas ko sa tulong niya. Mamaya isumbat pa niya sa akin yan eh.
Hate pa naman ako ng poging ito.
Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng tagiliran at kamay ko."Tss. Stop fooling me."
Nakatiim-bagang siya nang maiupo ako sa malapad na bato.Inis niyang kinuha ang kamay kong may bubog pa rin na nakabaon.
Maingat niyang hinawakan iyon at inalis. Saka naman umagos ang dugo mula roon.
Napangiwi ako sa sakit...
He dialed someone. "Kaleb, pwedeng padrive ng ranger malapit dito sa manggahan?"
Matiim pa rin siyang nakatitig sa akin habang tumatango-tango sa kausap.
"Yeah. Thank you, Kaleb. I'll wait here." tinapos niya na ang tawag pagkasabi niyon.
"Look at yourself. How clumsy can you get?!"
"S-Sorry, Sir. Aksidente lang naman po. I'll be careful next time."
"Make sure. And don't you dare use Thea again. She's a very dangerous and sensitive horse. It's good that she didn't throw you up while running."
Napatango na lang ako. Kaya siguro ayaw niyang pasakyan sa iba si Thea.
Baka iisang amo lang ang kinikilala. Buti pala talaga at nakuha ko rin ang loob ng kabayo.Hindi ko talaga maiwasang pagtakhan kung bakit Thea ang pangalan ng kabayo. Tsaka..since when?
"What are you smiling at?" napatutop ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang magsalita siya.
"H-Ha?"
"I said what are you smiling at?"
Tss. Sungit talaga ng isang 'to.
"Natutuwa lang po ako sa pangalan ng kabayo.." pag-amin ko na ikinadilim ng mukha niya.
Patay! Mukhang masama na naman ang nasabi ko.
Buti na lang at dumating na si Kaleb sakay ng ranger.
"Sir Ric, Ma'am Mimi.." bati ni Kaleb.
Tumango ako at ngumiti. Si Ric? Tumango lang.
"Salamat Kaleb. Pakihatid na lang si Thea at si Thunder sa kwadra. You can ride Thunder. Be careful with Thea."
Pagkaalis ni Kaleb at ng mga kabayo ay hinawakan niya ang isa kong kamay na hindi nabubog.
Napapiglas ako ng maramdaman ang kuryenteng hatid ng palad niya.
Magpoprotesta sana ako pero namalayan ko nalang na buhat-buhat niya na ako pasakay sa ranger.
"Mimi, what happened?" alalang tanong ni Tita Carina.
She asked me to call her Tita.
"Natalisod lang po, Tita. Wala lang po 'to."
She came near and checked on me.
My heart was touched. Ganito siya lagi sa'kin.
Parang anak na rin ang turing niya sa akin. Sabi niya..magaan raw ang loob niya sa akin.
I saw Ric grimaced.
_________________________________
"Ric..you seemed bother." puna ni Tita Carina sa anak niyang kanina pa mabigat ang aura.
Kasalukuyan kaming naghahapunan.
"Nothing, Ma. Don't mind me."
Napasentido si Tita Carina.
"Still thinking of Thea? Son..malapit na kitang patayuan ng rebulto. Since when you started loving that bitch? High school?" napailing ako ng lihim sa pagtawag na bitch kay Althea.
Since high school? Mahal na ni Ric si Althea? Hindi ko alam. Magkaiba kasi kami ng pinag aralan ni Althea. Sa private siya lagi..ako naman sa public school.
Ric didn't answer.
"My God, Ric. She just used you. She didn't even love y--"
"Ma..I know. Please let's stop this."
his voice was low and pleading."Alam mo naman pala eh bakit mo pa ginawang girlfriend. Alam mo naman palang gagamitin at iiwan ka lang..I'm sorry, anak. B-But..I can't just stand seeing you like that. I told you to take a vacation. Baka sakaling maging okay ka na."
Kami lang ang nandito ngayon at ang mga kasambahay. Wala ang kambal at Kuya Matt Paul.
"What are you staring at? Mind your own business." muntik akong mabulunan ng bumaling sa akin ng tingin si Ric.
Napayuko na lang ako. Pinaglihi talaga sa amplaya to eh.
"Ric..don't be harsh to Mimi. Wala namang ginagawang masama sa iyo ang tao."
"Whatever, Ma." pagsuko na lang ni Ric.
__________________________________
Ars POV:
I am a writer..na nagpapanggap na maid. Bakit? Simple lang. First Love ko si Matt Paul at gusto kong maging bahagi ng buhay niya. Kahit ilang buwan lang bago ako mag stay abroad with my family.
At malapit na akong makabuo ng nobela dito kay Ric at Mimi.
May something ring mysterious dito kay Mimi. It's like they've met even before. Pero si Ric mukhang hindi naman iyon nahahalata..pero sobrang init ng dugo niya kay Mimi.
May nagawa kaya si Mimi sa past na uncounciously ay alam ng subconcious mind ni Ric? Hmmm..this is exciting!
And there's this Thea girl. Great love ni Ric?
Paano na kaya si Mimi? Sa tigin ko pa naman..unconciously may feelings siya kay Ric. Team MimiRic ako. Kayo ba? :)
"Hi, Ars." bati ni Mimi sa akin.
"Uy..kamusta naman ang araw mo? Madilim ba?" sabay halakhak ko.
Napanguso siya. Gandang-ganda ako dito kay Mimi eh..kahit na tulad ko ay wala rin siyang kaarte arte sa katawan. Para siyang si Nikki Gil. Filipina beauty. Mas slim lang siya tsaka mas maliit. Di siya ganoon katangkad eh. Mga 5'3 lang siguro.
Ako? Matangkad ako guys..I am 5'6. Oh di ba!?Kaya lang..parang hindi siya aware na maganda siya. Parang ako? Joke. Hahaha..aware na aware ako sa kagandahan ko, mind you guys. :)
"As usual..ako na naman natripan niyang sungitan. Tsk." reklamo niya.
I smiled. "Parang si Matt lang. I mean..Sir Matt."
She grinned at me. "May sikreto ka kay Sir Matt noh?"
I blushed. " Heheh..obvious ba? Hala..baka mabuking ako."
Tumango siya. "Babae ako eh. Ramdam kita. At gusto kong malaman mo..na safe yang sikreto mo sa akin..dahil..fan niyo ako."
Niyakap ko siya. Para talaga kaming magkapatid. We have so many things in common. Like..kagandahan..kaseksihan..kabaitan..katalinuhan..ano pa ba?
"Pag off natin..labas tayo. I'll tell you everything..in exchange..sabihin mo rin sa akin lahat." kinindatan ko pa siya.
Mabubuo ko talaga nobela ko sa kanila. PROMISE!
"Mimi..your break time is over. Tss. So irresponsible." biglang bungad ni Ric kay Mimi..pero pag baling sa akin nakangiti.
Tsk. Magkapatid talaga sila ni Matt Paul ko. Walang duda.
Hahaha..oo akin siya. Angal?
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...