Mimi:
"It was a perfect plan. Mukha lang siyang natutulog when he passed away. My poor Angelo. If he only loved me completely. Araw-araw niya ring ipinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal at kailanman hindi niya matututunang mahalin. Si Althea lang ang dahilan kung bakit nanatili ang marriage namin." Tita Jade continued.
Nangilabot ako sa naisip ko.
"Y-you manipulated his death?"Humalakhak lang siya ng humalakhak..
She must be really crazy. Totally crazy.
Then she cried. "It's his fault..di ko dapat siya papatayin..but he pushed my limits."
Pagkuway nag iba na naman ang tono niya. " So don't you dare mess up with my plan darling..or else...."
Sumenyas siya ng pagguhit sa leeg.
"Sandoval clan..They'll be all dead."
Namutla ako.
"And oh..before I forget to answer your questions a while ago, sumusunod sa lahat ng gusto ko si Althea, dahil hawak rin namin si Daniel."
"Baliw ka na!" Gigil kong saad. Kaya pala. Kaya pala hindi man lang ako masensyasan ni Althea, takot din siya. Hawak nila Tita Jade si Daniel.
Tiningnan niya ako ng masama. "Kailangan ko si Althea dahil alam kong kahinaan mo siya. That's why I took Daniel to tame her. Bukod doon alam niya kung paano mamanipulahin ang mga bagay kapag kailangan niya. She got that from me, don't you think?"
Umaaalog pa ang balikat niya kakatawa habang hawak ang baril niyang may silencer.
"At kapag hindi ka sumunod, kasama si Althea sa idadamay ko!"
Nanlamig ang katawan ko. "Baliw ka na nga talaga! Para mo na rin siyang anak .."
" I never treated her as one. I just used her to get your dad. And now I'm using her to execute my plans. Hmmm..lovely plans...too bad Althea doesn't know a thing about her real identity."
Shit! Baliw na nga siya.
Halu-halo na ang pag-aalala ko. Para kay Mama Carina. Para kay Ric. Para kay Althea.___________________________
Paulit-ulit akong pinag-practice ni Tita Jade ng sasabihin ko.
Nang makapasa sa kanya ang huling practice ay may tinawagan siya at ilang saglit pa ay may pumasok.
May limang nakakatakot at malalaking lalaki...na nakangisi sa inaaakay nilang si Ric na nakagapos ang mga kamay sa likod. Nakapiring ang mga mata niya at tila wala pang malay.
"Ric!" Bulalas ko. Kalunos-lunos ang hitsura niya. Bakas ang mga galos niya sa mukha at katawan. Nanlaban siya malamang sa nga lalaking ito.
Kinalagan nila ako ng gapos at ipinalit doon si Althea. Iginapos din siya.
Si Tita Jade naman ay nagtago sa kubling lugar pero matatanaw ko. Hawak hawak niya ang baril, at alam kong kasado rin ang baril ng limang lalaking nakapalibot sa amin. Nakausap na sila ni Tita Jade sa plano kanina.
Kahit magising si Ric at lumingon lingon ay hindi niya makikita si Tita Jade dahil tagong-tago iyon sa anggulo nila.
Huminga ako ng malalim. Sinenyasan ko sila na tanggalan na ng piring si Ric.
Ilang saglit siyang lungayngay..bago unti-unting nagkamalay.
Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Ric.
May pagkamuhi akong nababanaag sa mga mata niya habang nakatitig ng mariin sa akin lalo na ng suyurin ng nga mata niya ang kabuuan ko.
Shit! Alam niya na. Alam kong alam niya na. Napagtagpi-tagpi niya na sa memorya niya ang lahat. Na ako ang babaeng naging dahilan ng pagkakahiwalay nila ni Althea.
Pumatak ang mga luha ko ng hindi ko inaasahan. Nakita ko ang paghalik ni Tita Jade sa baril niyang nakatutok kay Ric.
Abut-abot ang pagpigil kong dumami pa ang luhang dadaloy sa mga mata ko. Tumingala ako para maiwala iyon.
I hate to do this. Pero ito lang ang magsasalba sa kanilang lahat.
Inilabas ko sa isang lalagyan ang tsinelas ni Ric. Iyong tsinelas na naisuot ko paalis ng isa niyang condo noon sa Pasay imbes na ang red heels na gamit ko.
"Alam kong alam mo na ngayon kung sino ako sa simula't simula ng pagkakakilala natin."
His jaw clenched.
"Oo Ric. Ako iyong babaeng nagsagawa ng plano para mahuli tayo ni Althea sa condo mo sa Pasay. Kung bakit ko ginawa iyon? Galit ako sa kanya. Galit na galit ako kasi ni minsan hindi ako itinuring na anak ng tatay namin. I was nothing but an illegitimate daughter. While Althea? She had everything I ever dreamed of...a complete family..good life..and you..one true love."
Halos manginig ako sa tindi ng galit na nababasa ko sa mga mata niya.
Pero kailangan kong magpatuloy.
"I envy those so much. She talks about you always. Pati yung proposal mo na tinanggihan niya kasi hindi pa siya ready. I wanted to ruin her life. Kaya nagplano ako, nag-stalk sa mga gamit niya..and the plan brought me to your company's event. We saw each other and ended up in your room. And I succeeded. Althea caught us together in your room."Nakabusal ang bibig ni Althea sa upuan. Nakita kong may tumulo ng luha sa mga mata niya. Bahagya siyang umiiling pero nginisihan ko lang siya.
Gusto kong mapanatag siya na walang mapapahamak basta masusunod lang ang gusto ni Tita Jade.
"If that's your plan, why did you left that night?" Nabigla ako sa biglaang pag-imik ni Ric.
Matiim siyang nakatitig sa akin na tila ba gustong malaman ang buong nilalaman ng utak ko.
Hindi ako agad nakakibo. Shit! Sana pwedeng mag-next question please..kaso hindi.
Bakit ba kasi nagkaroon pa siya ng interes sa kwento ko tungkol sa gabing iyon? Haysss...
"Ahmmm..n-nagbago ako ng plano! Tama. Yon nga."
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi siya kumbinsido.
May kung ano yatang naglalaro sa isipan niya na hindi ko nabibigyan ng hustisya.
Shit. Promise..mas madaling umamin ng kasalanan kaysa mag-imbento ng kwento!
Isip...isip....isip...
"Nagplano ako ng panibago pagkatapos ng gabing iyon dahil..hindi pala ako makukuntento sa ganun lang kaya nag-apply ako sa Agri Corp. "
Huminga ako ng malalim.
"And the plan went on. Nakuha ko ang loob ng mama mo at umayon sa akin ang tadhana hanggang sa maikasal na tayo.."
Napahinga ulit ako ng malalim. Alam kong paniniwalaan na ni Ric ang huli ko ng litanya. Matagal niya na akong pinaghihinalaan na sinadya ko ang lahat di ba?
Hindi ko na kayang pahabain pa ang kwento ng kasinungalingan ko kaya naman binuhay ko na sa pamamagitan ng remote na ibinigay sa akin ang monitor sa dingging.
Bilib din ako sa planning ng baliw na si Tita Jade. Mahusay! Mukhang matagal ng pinagplanuhan..at talagang pinaghandaan.
Nagflash doon ang imahe ni Mama Carina sa van..sa gitna ng malawak na bukirin.
"Mama!" Sigaw ni Ric nang makita iyon.
"Fifty million Ric, kapalit ng b-buhay ng Mama mo! Kung hindi..pasensyahan na lang tayo."
Ipinaupo ko siya sa upuan at ipinatong sa lamesa ang checking account niya kasama ng check book.
Pinakalagan ko ang isa niyang kamay.
"Sign it up." Utos ko.
Shete! Pinaghahandaan ko ang gagawin ko kapag natapos na siyang pumirma..
Baka kunwari lang kami pakakawalan ni Tita Jade matapos ang lahat kaya kailangan kong maging alerto..
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...