Mimi:
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Nakatatlong buwan na pala ako halos.Ang saya lang. Marami na akong kaibigan dito.
Naalala ko si Althea. Hindi ko macontact ang number niya.
Ano na kayang nangyari doon?
I sighed. Hay..
"Mimi..tikman mo ito, luto ni nanay yan.." pukaw ni Maleng sa atensyon ko.
Muntik tumulo ang laway ko nang makitang Lomi pala iyong pinatitikman niya. My favorite!
Agad ko iyong tinikman.
"Wow..ang sarap. Paborito ko 'to, Maleng."Nakatambay ako ngayon dito kila Maleng. Tapos na ang duty ko sa rancho kaya lang tinatamad pa akong umuwi. Friday kasi ngayon.
Napansin ko kasi every Friday night dumadating si Ric. At aminin ko man o hindi..nasasaktan ako sa mga pagsusungit niya.
Ang init talaga ng dugo niya sa akin.
Tumunog ang cellphone ko. May text si Tita Carina.
Tita Carina:
Hi Mimi. Pauwi ka na ba?
I replied. Sinabi ko na lang na nagstay pa ako kila Maleng. Maya-maya lang ay tumunog ulit iyon at maalalahaning reply niya ang nabungaran ko.
Malapit kami sa isa't isa ni Tita Carina. Ang gaan pareho ng loob namin. Nakakataba ng puso. Para siyang ina kung ituring niya ako.
"Mimi..umiinom ka ba?" tanong ni Maleng. Nakangiti siya habang tangan ang Rice Wine.
"Ahmm..paminsan-minsan. Wala namang problema."
Wala na akong nagawa nang maglagay siya sa baso ko. May dalawa pang babaeng nandoon. Si Anita at Carla.
Masaya na kaming nagkwentuhan. At napag-alaman kong buntis si Maleng. Kaya pala siya nag-imbita.
"Ninang ka ha.." aniya sa akin. Masaya akong tumango.
Hindi ko na namamalayan kung pang-ilang bote na namain yun. Marami pala silang stock ng rice wine.
Ilang saglit pa ay medyo nahihilo na ako. I checked my phone. 11:30 na.
"Ahmmm..uuwi na ako Maleng..Anita..Carla. Salamat po."
Nagpaalam rin ako sa nanay ni Maleng.
"Saglit lang Mimi, ipapatawag ko ang pinsan kong si Kaleb." pigil ni Maleng.
Nagulat ako. "Ay..pinsan mo pala si Kaleb. Kaya pala pareho kayong mabait at nakangiti palagi."
"Wag na, Maleng. Kaya ko naman umuwi. Wala namang aswang eh.." biro ko.
"Ano ka ba..hindi ako papayag. Mahal, pakitawag naman si Kaleb sa kabila. Ipapahatid natin si Mimi."
Agad tumalima sa kanya si Nestor. Ang asawa niya.
Maya-maya lang ay dumating na si Kaleb.
"Mimi..lasing ka na?" kantiyaw niya. Lahat ng Trabahador sa rancho ay pinakiusapan ko na Mimi na lang ang itawag sa akin.
"Loko. Hindi noh. Sanay ako." tawa ko.
Ang pagkakaalam ko ay matanda ako ng isang taon kay Kaleb.
Nagpaalam na kami. Sabay kaming naglalakad.
"Pasensya ka na ha..si Maleng kasi ang kulit. Sabi ng kaya ko naman eh.."
BINABASA MO ANG
Martyrdom of Mimi
RomanceMichaela Michelle Abueva. Magandang pakinggan ang pangalan ko pero mahirap ganapan. Bilang parusa sa pagiging sampid ko sa pamilya ng half- sister kong si Althea, ako ang tagasalo ng lahat ng kalokohan niya. Kasama na roon ang tulungan ko siya sa pr...