ENTRY #44

127 5 4
                                    

Nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin, sandali niya akong tinignan at saka bumaba sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Tara, para makapagpahinga ka." Sambit niya saakin. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ng gate.

"S—Sige, dito nalang muna ako sa sala. Hihintayin ko si Grannie, baka nagpunta lang yun sa palengke." Sambit ko.

"W—Wala yung lola mo? Babantayn nalang muna kita hanggang sa dumating siya." Sambit niya saka naupo sa tabi ko.

"S—Sigurado ka? baka hanapin ka sa school, may exams pa tayo diba." Paalala ko sakanya kasi nag-excuse siya na ihahatid niya lang ako eh.

"Hindi yan. Wag mo ng isipin yun, ang importante may kasama ka dito at may magbabantay sayo dito just incase may maramdaman kang masakit." Hindi na ako nakapag salita at nananhimik nalang ako.

Matagal ding katahimikan ang bumalot saamin. Ewan ko, ayokong magsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh, hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan. "A—Anong gusto mo? Nagugutom ka ba?" Tanong niya saakin.

"Hindi."

"Anong masakit sayo? Masakit pa ba yung sikmura mo? Ano bang gamot mo dyan? Uminom ka kaya." Puno ng pag-aalalang sambit niya at saka niya hinimas ang ulo ko at inayos ang buhok ko.

Hinawakan ko siya sa kamay at tinignan iyon. "Ivo," Pag tawag ko sa pangalan niya. Tinignan naman niya ako at nginitian. "Mahal mo talaga ako ano?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba ako o kinokompirma kong mahal talaga niya ako.

"Oo, I love you. I love you una palang." Sandali siyang ngumiti at inayos uli ang buhok ko.

"Bakit? Bakit mo ko mahal?" Tanong ko sakanya. Naguguluhan parin kasi ako eh.

"Bakit? Kasi ikaw ang minahal ko. Hindi ko rin alam e, sayo tumibok ang puso ko e. tibok na hindi ko nararamdaman kapag hindi ikaw ang babaeng kaharap ko. Noon, bago pa kita magustuhan alam kong may mahal ka ng iba. Alam kong hindi mo ako gusto at gugustuhin. Sino ba ako? Sus! Wala nga akong panama sa boyfriend mo eh." Sambit niya na nakayuko lang.

"Correction, he's my ex boyfriend. Matagl na kaming wala no." Paglilinaw ko kay Ivo.

"May masakit pa ba sayo, Marie?" Dinig kong tawag niya saakin. Marie? Tinawag niya ako sa second name ko.

Umiling lang ako at saka tipid na ngumiti. "Mahal kita George, mahal na mahal kita." Sambit niya saka unti-unting lumapit ang mukha niya. Nakatingin lang ang mga mata niya sa labi ko. Konting lapit nalang ay magtatama na ang mga labi namin ng biglang may marinig kaming doorbell. Aniilang na ngumiti ako at nag-iwas ng tingin, siya naman ay napayuko lamang at natawa ng kaonti. Marahil ay nahiya siya.

"T—Titignan ko lang kung sino." Natatawang sabi niya tumango lang ako at natawa ng kaonti.

Shit! Kilig overload. Pero masakit parin ang sikmura ko. Nakakainis!! Kasalanan ito ng ulcer ko eh. Valentines na valentines, ito inaalagaan ako ni Ivo. Imbis na nagdi-date kami eh, andito tuloy kami sa bahay.

"Bakit?! Anong nangyari sayong bata ka?" Nag-aalalang tanong ni Grannie ng madatnan niya akong nakahiga sa sofa.

"S—Sumakit po kasi yung sikmura niya sa school at nagsusuka siya, kaya minabuti ko pong ihatid nalang siya dito sa bahay niyo para makapagpahinga po siya." Sambit ni Ivo na bakas sa boses niya ang kaba. Paanong hindi siya kakabahan, ngayon niya lang nakaharap ang lola ko.

"Yun nga ang nangyari Mi." Sambit ko sabay kagat sa hintuturo ko.

"Sinasabi ko na kasi sayong wag mo muna pilitin ang sarili mo eh." Nag-aalalang sambit nito sabay hipo sa noo ko para alamin kung may lagnat ako. Tinignan ni Grannie si Ivo. Nakayuko lamang siya. marahil ay nahihiya siya.

"A—Alis na po ako." Nauutal na sambit ni Ivo. Akmang aalis na siya ng tumayo si Grannie.

"Mamaya kana umalis, dito kana mananghalian." Sambit nito.

"Nako, nakakahiya po." Nahihiyang sambit ni Ivo na may ilang na ngiti.

"Wag ka ng mahiya. Maupo ka muna dyan, bantayan mo muna ang apo ko at magluluto ako." Sambit nito. Magsasalita pa sana si Ivo kaya lang tinalikuran na siya ni Grannie at nagtungo na sa kusina.

Tinignan ako ni Ivo na para bang naguguluhan siya. tinignan ko din siya at nginitian.

"Sabi nila masungit yung lola mo. Bakit parang hindi naman ata?" Nagtatakang tanong niya saakin.

Binuksan ko ang t.v gamit ang remote. "Ewan ko. Naninibago nga rin ako sakanya e. Usually kasi kapag lalaki ang kasama ko nagagalit agad yan, lalo pa't tayong dalawa lang dito sa bahay. Pero hindi ko alam kung anong nakain nun. Baka naman good mood lang siya.

"G—Good mood?" Nagtatakang sambit niya. Tumango lang ako at ngumiti. "Marie, alam ba niya yung tungkol saakin?" Tanong niya saakin.

"Hindi ko alam. Wala naman akong nababanggit eh." Sambit ko sabay baling ng mata ko sa palabas.

Ilang sandali lang ang hinintay at tinawag na kami ni Grannie. "Tayo na, kumain na tayo luto na ang tinola." Yaya ni Grannie saamin. Inalalayan naman ako ni Ivo sa paglakad. Para akong baldado na alagang-alaga niya. Ang sweet niya.

"Ang sarap po ng tinola niyo, native po ba ang manok na ginamit niyo?" Tanong ni Ivo. Napatingin naman ako kay Grannie at nahuli kong nakangiti siya. iba yung ngiti niyang yun ah. Parang may something? Anong nakain mo?!! (magic sarap? HAHAH!)

"Oo iho, tama ka. Paano mo nalaman na native ang ginamit ko?" Nagtatakang tanong ni Grannie kay Ivo.

"Mahilig din po kasi akong magluto, at alam ko po ang lasa ng native sa hindi. Tsaka po yung luto, ang sarap po talaga, promise." Sambit pa niya.

"Lasang kamatis?" Pagbasag ko sa sinabi ni Ivo. Natawa naman si Grannie at sumimangot.

Natutuwa ako kasi unang beses lang sila nagkakilala pero heto, parang mas siya pa ang apo kaysa saakin. Kanina pa sila nagbibiruan at nagtatawanan. Halos ma-o'p na nga ako sakanila eh.

Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta si Ivo na siya na ang maghuhugas ng mga pinag-kainan namin, pero pinigilan siya ni Grannie. Bisita daw siya kaya hindi nya dapat yun gawin.

Hindi muna siya umuwi at nakipag-usap muna siya kay Grannie, ako naman ay natulog dahil masakit ang sikmura ko. Until now hindi parin ako magaling, pero kapag nakikita ko si Ivo pakiramdam ko nawawala lahat ng sakit.

Akala ko hindi ko mamahalin ang taong yun, akala hanggang kaibigan ko lang siya. pero ganun pala yun, kapag kasama mo ang isang tao kahit saihin mong hindi mo siya mahal o hindi mo siya magagawang mahalin, hindi pala ganun.  Dahil sa araw-araw na nakasama ko si Ivo, mas tumibay at mas naramdaman kong mahal ko siya. naramdaman kong unti-unti akong nahuhulog sakanya. At kung patuloy ko parin itong pipigilan, baka masaktan ako sa huli, kaya gagawin ko na ang nararapat. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon