ENTRY #27

62 3 0
                                    

Almost two weeks ang nagdaan. And I proudly to say that, ang bad talaga nila in a nice way. Andyang aasarin nila ako at hindi  titigilan. Ewan ko ba, pero ang sabi saakin ni Cris, kaya daw sila tuwang-tuwa na asarin ako ay dahil sa pikunin daw ako.

Oo, Sly, Cris, Jaspher, Jerald are my friends now. Pero hindi yung super close ako sakanila. Si Cris at Jerald, wala ng problema. Kilala ko naman na sila noon pa, at gusto ko ang attitude nila, pero si Jaspher medyo ilag pa ako, may pagka-manyak kasi yung dating niya e. at si Kuya Ivo.. yeah, I use to call him ‘Kuya Ivo’ since ayun ang nakasanayan sa room namin. Ahead siya saakin ng 4 years kaya I use to call him Kuya, and besides gusto ko din magkaroon ng kuya ang kaso di pinalad e.

Kanina pa kami nag-hihintay ng teacher na magtuturo saamin, pero wala paring nadating. Lahat daw kasi ng teacher ay ipinatawag sa meeting. “Guys!!” Sigaw ni Sly na lumakad papunta sa harap ng classroom namin. “Since, kanina pa tayo mukhang tanga dito.. at mukhang wala na talagang magtuturo satin. Pumunta nalang tayo kila Jaspher, birthday niya ngayon e.” Sambit ni Sly. Nasapo ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko’t yumuko.

Fuck! Bakit ko nga ba nakalimutan na ngayon pala ang birthday ng mokong na ito, ilang araw ba nila akong kinulit para lang mapapayag na um-attend sa birthday na yun. 3 times? 4 times? Hay! Ewan! Ang alam ko buong isang linggo nila akong kinulit  tungkol dito, and sorry to say na hindi talaga ako makakapunta.

Natahimik ang room namin at pati na rin si Sly sa paga-announce. “Class, you may go na. wala tayong klase today, im sorry guys, busy talaga kaming lahat.” Malungkot na sabi ni ma’am.  “N—nako ma’am.. ok lang po, maganda nga yun ma’am makakapag-aral kami ng lesson para sa darating na exam.” Nakangiting sabi ni Sly na nasa harapan parin till now. Ngumiti lang si ma’am at nagpaalam na.

Inayos ko ang gamit ko. Sinukbit ko sa likod ko ang back-pack ko at saka madaling lumabas ng classroom, since naka-jogging pants ako, no hassle sa pagtakbo kung sakaling habulin nila akong apat.

Lumingon ako sa likod ko, nakahinga ako ng malalim ng makita kong walang nakasunod na Cris, Jaspher, Jerald sa likod ko. “Saan ka pupunta?” Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa boses na nadinig ko. Si Sly. Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng makita ko sina Jonalyn at Charie, pati narin ang iba kong classmate. Palapit sila at akmang papalibutan na nila ako. Ano to? Anong meron? “A—hehe! B—bakit?” Di mapakaling sabi ko. “Tatakasan mo kami?” Nakangising tanong ni Sly saakin. “A—ako? HAHAHA!! Ta—tatakas? H—hindi no!” Natatarantang sabi ko. Paano ko ba ito lulusutan? Ayoko! Ayokong mag-inom, ayokong malaman ito ni Rocco at pagkatapos ay pag-aawayan namin.

Sandali  akong kumalma at huminga ng malalim. Kaya ko ito! George, isipin mo hardels lang ang mga classmate mo at hahakbangan mo lang sila. Sambit ko sa sarili ko. Magsasalita pa sana si Sly ng bigla kong iniharang ang kamay ko. Padipa akong humarap sakanya at sinabing.. “Oo na! sasama na ako.” Sambit ko at niluwagan nila ang daan para makadaan ako. HAHA!! Gullible! Agad akong tumakbo. Takbo lang  ako ng takbo, at sa di inaasahan.. naabutan ako ni Sly. Naman e! bakit ba kasi!!!

“Wag ka na kasing tumakas… kung runner ka, hindi mo ako matatalo, mas mabilis kaya ako tumakbo sayo.” Pagyayabang niya at saka ko sinakay sa kotse niya. Ha? Si Sly may kotse? Bakit parang di ko ata alam ito? Nasa backseat sina Jonalyn, Charie at ang iba pa naming classmate na seatmate ko.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon