ENTRY #15

88 4 0
                                    

Grabe lang yung nangyari nung birthday ni Rocco. Napagalitan siya ng mama at papa niya dahil sa ginawa niya. Pero ako naman ang nagpatunay sa mga ito na wala naman kaming ginawang masama ni Rocco. HAHAHA. Wag niyo ng  bigyan ng malisya yung kiss na yun. Nagmamahalan lang po kami. HAHAHA.

“Marie ano ba! Sasali ka ba o hindi?” Naguguluhang tanong saakin ni Hannah.

Nasabi kasi niya saakin na naghahanap daw ng player para sa truck n field si coach Dan at ako ang naisip niya na isasali niya. Ewan ko ba! Di talaga nag-iisip itong si Hannah. Kahit saan padalos-dalos ito eh.

“Gaga ka din eh no! ayoko nga sumali dun. Mapapagod lang ako eh.” Sambit ko.

“Bahala ka nga!” Sambit naman niya at pumasok na sa loob ng room namin. Sumunod naman ako sakanya.

“Oh, ipasa na ang mga assignment.” Sambit ni Ma’am. Galicia na kapapasok lang ng room namin.

“Goodmorning ma’am.” Bati namin sakanya.

“Brad! Asan yung assignment ko?” Tanong ko kay Melvin. Sakanya ko pinagawa yun dahil busy ako sa paggawa ng report namin para sa Pilipino mamaya.

“Ito boss. Ipapasa na po. nanginginig pa oh!” Sambit niya. Kinindatan ko lang siya at tumingin na sa teacher namin.

“Excuse me ma’am.” Singit nung lalaking nasa pinto. May katangkaran ito at nakasuot ng jersy short at sando.

“Yes? “ Tanong ni ma’am.

“May itatanong lang po sana ako sa mga students niyo.” Sambit nung lalaki at may iniabot na sulat kay Galicia.

“Ok, come in.” Pagpapatuloy ni Ma’am doon sa lalaki.

“Excuse me everyone!” Pagkuha ng atensyon saamin nung lalaki. Lahat naman ay tumahimik at nag-umpisang  bigyan ng atensyon ang lalaking nagsasalita sa harap. “Since malapit na ang intrums natin. Sino dito ang gustong sumali sa sports? Though may mga player na tayo, pero kulang pa sa truck n field.” Sambit nito.

“Ah..!” Nasambit ni Hannah at saka tumingin saakin.

“Yes? Sasali ka ba?” Tanong nung lalaki kay Hannah.

“Um..no, pero sasali yung friend ko.” Nakangiting tinignan ako ni Hannah.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon