ENTRY #20

94 3 0
                                    

George Marie Point of view

Nakatayo ako sa shed, at kasalukuyan namang nakatayo sa upuan ng shed na ito sa Rocco. Kainis! Kanina pa kami naghihintay ni Rocco dito ng jeep na masasakyan, pero till now wala pa ring dumadaan. May dadaan nga, puno naman. Siguro dahil tanghali na kaya ganito ang mga sasakyan. ‘Mahal, yung sombrero ko ah. Baka mahulog yan, madudumihan.’ Sambit ni Rocco saakin. Hindi ko siya pinansin.

Bahagya ko siyang nilingon dahil kinalabit niya ako. Nakita ko sa mukha niya ang bakas ng pagkagulat. Hindi siya nakatingin saakin. Kung hindi sa likuran ko. Nagtaka naman ako kaya naman, nilingon ko ito. Lupa, bumuka ka at lamunin mo na ako. Lagot! Si papa.. anon g gagawin ko? Yari ako nito. Sandal akong nakipagtitigan kay Papa, di nagtagal ay lumakad na ako pasakay sa jeep na minamaneho niya.

Sigurado akong, wala na akong ligtas. Hindi na ako makakapgdahilan pa. nakita niya ko, nakita niya kami. Anong magandang dahilan ang sasabihin ko para maniwala siyang wala kaming ginagawang masama. Naramdaman ko nalang ang mabilis na pagpapatakbo ni Papa. At napapansin ko din ang madalas niyang pagtingin mula sa rear view mirror ng jeep. Ang sama. Ang sama ng mga tingin niya saakin. Paniguradong tapos ako sakanya mamaya.

Agad kong tinext si Rocco na magkita nalang kami sa school, ang awkward ng pangyayari. Pakiramdam ko kahit na walang sinabi si Papa’ng salita eh, sobra akong napahiya sa mga pasahero at kay Rocco. Bumaba ako ng jeep na nagpaalam ako kay papa. Tumango lang siya saakin. Galit nga talaga siya.

Ng makarating ako sa school, agad akong nagtungo sa may likod ng school para salubungin ko doon si Rocco. Dahil naka-uniform siya ng school nila, malamang hindi siya makakapsok dito kaya naisip kong dito na siya dumaan. Ng makita ko na siya, lumapit ako sakanya. Inabot ko ang sombrero niya.

“Anong sabi ng Papa mo?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Wala. Tara na sa gym.” Yaya ko sakanya. Naririnig ko na kasi ang mga ingay mula sa gym. Mukhang nagkakasiyahan na ang mga studyanteng nandoon. Naghihiyawan sila dahil sa awarding na nagaganap ngayon.

“Sigurado ka bang walang sinabi sayo? Parang malungkot ka eh.” Sambit pa niya habang sabay kaming naglalakad.

“HAHA!” kunwaring tawa ko. “Wala siyang sinabi saakin. Baka mamaya, kausapin niya ako pag-uwi ko. Tara na, wag mo na intindihin yun.” Sambit ko at naglakad na patungo sa gym.

Madidinig mo ang mga lakas ng hiyawan ng mga studyante pag pasok mo palang ng gym. Katatapos lang ng laro nila Hannah, nakita ko siya sa may tabi ni James kaya naman nilapitan namin sila. “Congrats.” Wika ko. Di ko pa man din alam kung anong nangyari sa laban niya, but I am pretty sure na panalo siya. si Hannah yan eh.

“O! bes, san ka ba nagpunta?!! Bat hindi mo pinanood yung laro ko.” Malungkot na sabi niya.

“Sorry bes, maraming naganap bago ako pumasok dito. HAHAHA!!” Wika ko.

“Ang daya mo talaga!” Wika niya ng naka-pout.

“HAHA! Ang cute mo dyan Babe.” Singit naman ni James.

Hinapit ni Rocco ang bewang ko, napatingin naman ako sakanya ng masama kaya naman agad niyang tinanggal yung kamay niya. Siraulo talaga! Alam naman niyang rule namin yun eh. Ayoko ng PDA no! “Yayakap lang eh.” Angal niyang pabulong.

“Manahimik ka!” Sambit ko at itinuon ko ang paningin ko sa stage.

“Ok, dumako naman tayo ng pagbibigay parangal sa mga players ng truck n field.” Dinig kong sabi nung teacher na nasa stage.

“Gosh!! Ayan bes.. sana may award ka!!” Natutuwang sabi ni Hannah.

“Tss. Asa!” Maangas na sabi ko. Tinignan naman ako ni Rocco na para bang sinasabing ‘Wag ka ngang nega dyan!’.

“Ikaw pa mawalan?! Eh, buwis buhay ka kaya sa sprint at sa hardels.” Sambit ni Rocco matapos niya akong tignan ng ganun.

Rocco

“Ikaw pa mawalan?! Eh, buwis buhay ka kaya sa sprint at sa hardels.” Sambit ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Marahil ay nagulat siya sa mga sinabi ko.

Alam kong alam ninyo na hindi ako nanuod ng laban niya, pero sa totoo lang? nandoon ako at saksi ako mula umpisa hanggang matapos ang laro. Noon una, natakot ako nung lumaban siya ng sprint. Hindi ko alam na kaya niyang tumakbo ng ganun kabilis. Ewan ko?! Kalian lang siya nagtraining pero, ganun na kaagad ang improvement niya.

Yung mga training niyang yun, palihim ko siyang pinanunuod. Tumatakas ako sa mga teachers ko para lang masubaybayan ko siya. ako kaya ang the best boyfriend. HAHA! Akala ko nga doon na nagtatapos yung laban niya eh, nagulat ako ng sumigaw siya ng malakas at nagsimulang tumakbo para bumwelo at tinalon ang hardles. Grabeng puri ang natanggap ng mahal ko mula kay Cyrus na siyang kasama ko.

“Tindi! Babae ba talaga yang girlfriend mo pre?” Yan ang mga salitang narinig k okay Cyrus na tinawanan ko lang. iba ka, iba ka talaga George marie.

“3rd place!! Paul Samson!!” Sigaw nung Teacher. “2nd place!! Alely Montes!! And our first place. Nako, baka mamaya tumakbo yan paakyat dito sa stage ng wala pang Segundo.” Biro pa nung teacher sa stage. “George marie!!!” Dinig kong sigaw nung teacher. Si Hannah, todo yugyog kay George. Pero itong mahal ko, wala na! tulala na at mukhang gulat na gulat sa narinig.

Lumapit ako sa tainga niya at bumulong ng .. “Congrats Mahal..” Wika ko at saka ko siya hinalikan sa buhok. Agad naman siyang bumalik sa reality ng buhay at tinignan ako saka nginitian.

“Andyan ba siya? o absent? George Marie!” Sigaw pa uli ng teacher. This time, ngumiti siya saakin at tumakbo patungong stage. Malayo man siya saakin alam kong saakin siya nakatingin habang taas kamay na iwinawagay-way sa ere ang nakuha niyang medalya.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon