ENTRY #21

100 3 0
                                    

George marie Point of view

Pag-uwi ko, hindi ko naabutan si Papa. Marahil ay hindi pa siya bumabalik galing sa pasada. Masaya ako kasi, hindi ko alam na makukuha ko ang 1st place award at dumagdag pa sa saya na andoon yung taong mahal ko habang tinatanggap ko ang award na ito.

“Kamusta?” Tanong saakin ni Grannie.

“Ito oh!!” Masayang wika ko habang taas kamay na ipinapakita ko ang medalyang natanggap ko.

“Ang galing naman ng Apo ko!” Wika niya na ngiting-ngiti rin saakin.

Kinabukasan..

“Mahal, anong nangyari?” Tanong saakin ni Rocco habang naglalakad kami papauwi. Napag-isipan naming maglakad nalang pauwi dahil maganda naman ang panahon at gusto naming makasama angt isa’t-isa.

“Yun, di ko naman naabutan si Papa sa bahay eh. Mukhang wala naman akong balak komprontahin e.” Wika ko habang naka-angkla ang kamay ko sa braso niya.

“Pero alam mo, tingin ko talaga galit yung papa mo eh.” Wika niya.

“Natural! Anak niya nakita niyang may kasamang lalaki, natural magagalit yun.” Wika ko.

“Paano na tayo niyan? Iiwan mo naba ako?” Tanong ni Rocco saakin.

“Aray!—“ Angal niya ng maramdaman niya ang mahinang batok ko. “Ba’t namamatok ka?” Parang batang wika niya saakin.

“Chupul ka! Ba’t naman kita iiwan? Mahal kita no!” Wika ko.

Sandali  kaming huminto sa tindahan at bumili ng makakain. Ganito naman kami lagi eh, sa tuwing maglalakad kami ni Rocco dito kami tatambay sa tindahang ito. Naging bahagi na nga rin ito ng buhay ko.

“Mamaya na tayo umuwi.” Wika ni Rocco saakin. “Punta tayo sa North, tambay tayo dun.” Yaya niya saakin. Tumango naman ako at nginitian siya. hudyat ng pagpayag ko.

“Malapit na pasko, ano regalo mo saakin?” Tanong saakin ni Rocco ng marating namin ang North.

Tinawag namin itong North dahil base sa kinalalagyan nitong lugar na ito. Walang tao dito at makikita mo sa ibaba ang mga mayayabong na puno mula sa kinauupuan namin.

“Mahal naman… dadaan muna ang November bago ang December. Atat lang te?” Nakangiting biro ko sakanya.

“Andami ko kasing gustong mangyari pag dating ng pasko eh.” Wika niya habang nakayakap saakin behind my back.

“Like what?” Nakangiting wika ko.

“Gusto ko, kompletuhin natin yung simbang gabi. Tapos dun ka magpasko saamin para naman makilala ka na ng ibang family ko.” Wika niya.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon