ENTRY #14

100 5 0
                                    

Lumipas yung mga araw na ganun ang routine namin ni Rocco. Ihahatid ako at susunduin naman ako kapag uwian. Ang saya lang, bakit? Kasi palagi siyang nandiyan para saakin. Although minsan nag-aaway kami dahil sa katigasan ng ulo ko. Natatandaan ko pa nung nakaraan. Nag-away kami.

FLASHBACK

Pasuray-suray akong tumungo sa paradahan ng jeep para mag-abang kay Rocco. Since may drill sila sa CAT nila, nag-presinta na akong ako nalang ang maghihintay sakanya dahil gusto ko naman siyang makita. Magmula kasi ng mag-drill sila hindi na niya ako nasusundo eh.

“Hal, sorry. Kanina ka pa ba diyan?” Inangat ko ang mukha ko doon sa nagsalita. Medyo pupungay-pungay ang mata ko dahil sa alak na nainom ko.

“O’ mahal, ano? Uwi na ba tayo?” Wika ko na pilit pinapahalatang hindi ako lasing. Panigurado kasing magagalit ito saakin eh.

“Oo, tara na.” Sambit niya at inakay ako patayo. “Lasing ka ba?” Tanong niya at bahagyang inilapit ang mukha sa bibig ko.

“H..hindi ah!” Wika ko at nginitian ko siya.

“Lasing ka eh. Tara na, umuwi na tayo.” Sambit niya saakin na nakabusangot ang mukha niya at salubong ang mga kilay. Galit nga siya.

END OF FLASHBACK

--

Buong biyahe, hindi niya ako pinansin. Alam kong mali ang ginawa ko. Nagkayayaan lang naman ang tropa eh. Syempre hindi naman maiiwasan yun diba. Pero in the end, hinatid pa din niya ako pero hindi sa mismong bahay namin. Baka habulin pa siya ng itak ni papa eh.

“Oh ano? Tara na ba?” Tanong saakin ni Rocco ng makalabas ako ng room.

Lunch break na namin kaya nakalabas ako. Ngayon ang pinaka-special day para kay Rocco. Nakakainis nga eh. Paano ba naman, wala akong gift sakanya. Sabi niya kasi wag na daw, though may gift ako sakanya pero nasa bahay pa. siguro bukas ko nalang ibibigay yun sakanya.

“Wait lang, sila Melvin pa.” Sambit ko at nilingon ko yung room namin kung saan andun pa sila Peter.

“Sige, antayin natin sila. Teka! Sure ka bang magka-cutting kayo? Di kaya makahalata yung techers niyo?” Alalang tanong niya. Sabi ko kasi hindi pwedeng hindi ako makapunta sa birthday celebration niya eh. Kaya heto, nag-cutting ako- este, kami pala. In-invite din kasi niya yung mga kaibigan ko.

“Oo nga! Bat ba mas takot ka pa saakin mapagalitan ng teacher?” Nakangiting sabi ko. Parang ewan naman kasi eh. Wala naman kasi kaming gagawin sa mga susunod naming subject eh. Lecture lang then uwian na.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon