ENTRY #41

36 3 0
                                    

Lunes, unang araw ng klase namin. Mula kasi nung i-introduce si Ivo nung class adviser namin e, hindi na siya pumasok nun. Ewan ko kung bakit at saan siya nagpunta. But now, ito waiting kami sa first subject namin.

Ilang saglit lang ay may teacher ng pumasok sa classroom namin, matangkad at malambot kung kumilos. Nakataas ang dalawang kilay at akala mo'y galit sa mundo. May dala siyang malaking pamaypay at isang libro na ayon sa design ay math subject namin siya. oh my gosh! Math ang first subject namin?! Nako naman! Mahina pa naman ako sa math.

Sandaling nag-ayos ng sarili ang teacher namin at tumayo sa harap. "Good morning class." Bati niya saamin na di man lang nakuhang ngumiti. Pansin ko din sa mga classmate ko na kinakabahan sila dahil sa aura ng teacher namin. Napapalunok na napatingin saakin si Charie. Ngumiti naman ako ng tipid at binati namin ang teacher namin at naupo.

Saglit siyang nagpakilala pero agad naputol ang pagsasalita niya ng mapatingin siya sa pinto. Agad naman kaming napatingin sa pinto dahil ito ang nagpatigil sakanya mula sa pagsasalita. "Ivo! Fourth year ka na, late ka parin?!! Jusko!" Naiiritang sabi ni Sir Chan.

"Good morning, Sir!" Bati ni Ivo sabay ngiti. Tumango naman ang teacher namin. "Maupo kana." Sambit nito sa tonong naiinis pero hindi naman talaga. Tumabi saakin si Ivo at saka humarap sa teacher namin para makinig. Patuloy lang sa pagdi-discuss yung teacher namin, kung minsan ay nag-aasaran sila ni Ivo na animo'y silang dalawa lang magka-kilala sa loob ng classroom. Napansin ko rin na, matalino pala sa math si Ivo. Paano kasi, yung mga random na tanong ni Sir, kaagad niyang nasasagot kaya tuloy yung iba naming classmate e, napapalingon sakanya maging ako.

Nang mag-lunch break, niyaya kami ni Ivo na kumain sa labas. Since sanay kaming umakyat ng bakod, yun ang ginawa namin. Kahit naman kasi may kotse si Ivo, di rin naman kami makakalabas ng school dahil bawal.

"Cha, anong gusto mo? Tanong ni Ivo kay Charie, saakin kasi alam na niya ang o-orderin niya. Ewan ko ba, pakiramdam ko mahal ko naman si Ivo pero diko magawang sabihin o iparamdam man lang sakanya. Nagi-guilty parin kasi ako sa ginawa ko kay Rocco. Until now, nakokonsensya parin ako.

"Sige, dito na muna kayo bibili lang ako ng foods natin." Paalam niya saamin ni Charie.

"Ikaw ah!!" Wika ni Charie sa tonong nang-aasar at sinamahan pa niya ng pag-siko sa braso ko. "Ano ng status nyong dalawa, ha?!" Tanong ni Charie saakin.

"Status? Ayun, friend. Mutual friend kami." Sambit ko sabay tawa ng malakas. Napatingin tuloy saakin yung mga lalaking kumakain.

"Hi, George!" Rinig kong bati nung isang lalaki. Pero agad siyang napatingin dun sa lalaking nasa counter, napatingin naman kaming dalawa ni Charie doon at nakita kong masama ang tingin ni Ivo sa lalaking nag-hi saakin. Kung nakakapatay lang ang mga titig niyang yun, baka bumulagta na yung lalaking yun sa sahig.

"Grabe ah! Tingin palang papatay na yang prinsipe mo ah." Nagbibirong wika ni Charie. Napangiti naman ako. Sa totoo lang kasi, hi palang ng ibang lalaki saakin parang papatay na siya. gusto kong sabihin na wag siyang ganun dahil kinikilig ako sa ginagawa niyang yun. Enebe!

"Cha, tingin mo gusto talaga ako ni Ivo?" Tanong ko kay Charie. Oo, nararamdaman at nakikita ko na gusto ako ni Ivo. Pinararamdam niyang mahalaga at especial ako sakanya. Nararamdaman ko ding mahal niya ko, pero kasi nangangam ba parin ako.

"Ano bang klaseng tanong yan, jusko, Te! Kung tutuusin ang haba ng hair mong bruha ka! isipin mo ha, nung third year tayo, pinaramdam na niya sayong gusto ka niya. Ngayon naman lumipat siya ng section, at sa section pa natin ah, para ano? Para makasama ka. ano ka ba! Ikaw na nga lang ang hinihintay e. sagot mo nalang." Sambit ni Charie. Sasagot pa sana ako kaso nakita kong papalapit na saamin si Ivo.

"Ito na ang order nyo ma'am!" Nakangiting sambit niya sabay lapag ng mga in-order niya sa mesa. "Enjoy your meal." Nakangiting sabi pa niya sabay alis. Pag balik niya, may dala na siyang spoon and fork.

"Oh! Tinitigan niyo nanaman yung ka-gwapuhan ko. Tama na yan ah, baka mabusog agad kayo. Kain na!" Sambit niya sabay tawa. Napangiti naman kaming dalawa ni Charie at kumain na din.

After lunch, bumalik din kami agad sa room namin. Papasok na kami ng classroom ng mapansin kong nakatingin saamin lahat ng classmate namin. I mean, kay Ivo pala nakatingin, hindi pala saakin o kay Charie.

"Hi, Ivo!!" Bati nung tatlong girls na over sa kapal ang make-up. Ang blush-on, jusko! Akala mo sinapak dahil sa kapal at pula nito. Ang mga nguso, akala mo pinadugo dahil sa pula at mamasa-masang labi ng mga ito. At ang mga buhok, jusko! Mala will tower mall ang taas. Akala mo pagkatapos ng klase namin ay diretso sa club ang punta e.

"Hello." Bati niya sa mga ito. Akala ko pagkatapos niyang mag-hi ay uupo na siya, pero ang kumag! Nakuha pang maki-upo sa mga hipon na yun at nakipag-usap pa siya.

Nilingon ko si Charie, nagkibit balikat lamang siya at saka ako lumakad papunta sa upuan namin. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro nalang. Nakakainis! "Oh! Yang kilay mo ayusin mo nga! Halatang nagseselos ka e." Bulong saakin ni Charie.

"AKO?!!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya naman napatingin ang lahat saakin, including Ivo. Lahat nga diba! "Ako nagseselos?! Hell no!" Sambit ko sabay baling ng atensyon ko sa nilalaro kong game.

"See? Ang cute mo mag-selos George." Natatawang sambit niya saakin.

"I said hindi nga!"

"Wag ako George! HAHA!!" Sambit pa niya na nang-aasar talaga. Magsasalita pa sana ako kaya lang pumasok na yung adviser namin.  Si Ivo naman ay papalapit na sa upuan namin kaya naman umayos na ako at itinabi ko na ang phone ko sa bulsa ko.

"Class, let's fix your chairs. All boys, please occupy the left side and all the girls, the right side." Sambit ni Ma'am. Agad naman kaming tumayo at lumipat ng upuan. Kukunin ko na sana ang bag ko ng mapatingin ako kay Ivo na nakatingin lang saakin. Tinignan ko din siya. yung mga mata niya, parang sinasabing wag na akong lumipat ng upuan. Ayoko rin naman to Ivo e, pero ito ang order ni ma'am. We need to follow the rules.

Magsasalita sana si Ivo ng biglang magsalita ang adviser namin. "So, all set. Siguro naman wala ng lilipat-lipat ng upuan ah, mapa-babae o lalaki. Don't you dare to go to other chairs kung ayaw niyong ma-absent sa klase ko." Sambit ni ma'am. Napatingin nalang saakin si Ivo at saka umayos ng upo.

Bakit ganun? Hindi naman tayo pero yung nararamdaman natin kailangan nating itago.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon