ENTRY #16

89 6 0
                                    

Maaga palang gumising na ako. Ngayon ang umpisa ng training ko sa pagiging ‘player’ ko. Nakakakaba na nakakaasar! Ano ba kasing pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto ni Hannah.

“Ok na ba mga gamit mo? Yung bimpo mo, ayos na ba?” Bungad na tanong saakin ni mama. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gagamitin ko. Maaga pa naman kaya, inuna ko itong gawin.

“Opo, wala na akong nakalimutan.” Wika ko.

Hindi ko din alam kung anong nakain nila at pumayag sila sa desisyon ko. Nung una kong sabi sakanila, akala ko magagalit sila at hindi nila ako papayagan pero mali! Tulad ng coach na yun, tinignan lang nila ako at pumayag na sila.

--

“Name?” Tanong nung lalaki doon sa pinto ng headquarters ng mga player.

“George marie.” Tipid kong sabi. Tumango naman siya kaya nagtuloy na ako sa pagpasok doon.

“George!! player ka din ng truck n field?” Dinig kong tanong saakin nung babaeng nagbibihis.

“Aira?” Takhang wika ko. Paano siya napunta dito?

“Don’t tell me, hindi mo na ako kilala?” Natatawang sabi niya.

“Gaga! Panong di kita makikilala, eh sayo ako nagmana eh.” Sambit ko sabay tumawa.

“Dalian mo! Magpalit kana at tatakbo pa tayo sa field.” Sambit niya.

Grabe yung headquarters namin. Panay sulat ang pader at ang dilim. Paano kaya sila doon? Ang hirap talaga ng skwelahang ito. Tapos, wala man lang cubicle na pwedeng pagbihisan. Talagang sabay-sabay kaming nagbibihis, mabuti nalang at hindi namin kasabay ang mga lalaki.

“1..2...3..4..5..6” Bilang nung isang team mate ko. Inumpisahan namin sa pagi-streatch ng katawan. Yung iba sa kanila, talagang bihasa na. lalo na si Aira, na siyang nangunguna sa pagbibilang.

“Easy jog tayo.” Yaya ni Aira.

Magmula sa unahan ng field ay nag-umpisa kaming mag-jogging. Mabagal lang at tama ang tindig ng aming katawan para maayos ang pagtakbo namin. Mula dito, tanaw ko ang ibang studyante na naglalakad patungo sa mga classroom nila. At may ilan-ilang nanunuod sa training namin.

“Ok, since ok na tayo sa easy jogg. Sprint naman tayo.” Panimula ni Aira. Tumango naman ang iba samantalang ako ay nakatulala lang na nakatingin kay Aira.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon