ENTRY #22

74 3 0
                                    

George marie Point of view

“So, kamusta ang date? Dahi-dahilan ka pa ha!” Nang-aasar na turan ni Hannah saakin.

“Ayos naman, though may mga asungot na babae sa paligid, keri lang.” Wika ko.

“Simbang gabi tayo mamaya.” Yaya saakin ni Hannah.

“Ewan ko lang, pag pinayagan ako ni Grannie.” Nakangiting wika ko.

December na at mamaya na ang start ng simbang gabi. Sana lang makapag-simba kami ni Rocco. Nagtext kasi siya saakin. Hindi daw siya pumasok dahil may pinuntahan siya, ewan ko kung saan siya nagpunta. Hindi naman kasi niya sinabi eh.

“Mukhang yan?!! Parang binagsakan ng langit ah!” Agad na pansin saakin ni James.

“Paano ba naman kasi, umalis si Rocco di manlang nagpaalam saakin.” Wika ko.

“Di nagpaalam, tapos alam mong umalis siya?” Wika ni James. Sinamaan ko siya ng tingin. Baliw ba to? O nagtatanga-tangahan lang siya?

“I mean, oo nagpaalam siya pero hindi niya sinabi kung saan siya papunta.” Asar na sabi ko at sinimangutan ko siya.

“Ahh…. Yun naman pala e, lilinawin mo kasi.” Wika ni James na tonong nang-aasar pa.

Hanggang mag-uwian, wala pa rin akong text o tawag na natatanggap mula kay Rocco. Nag-aalala na ako, hindi ko alam kung saang lupalop ng pilipinas siya nandoon. Bahala na nga siya, basta ako hindi ako nagkulang ng pagtitext sakanya. Kung asan na siya, kung kumain na ba siya. ewan ko sakanya! Ayaw niyang magreplay! Badtrip!

Umuwi akong nagtatampo kay Rocco. Pag-uwi ko, sandali akong nagpahinga at nagpaalam kay Grannie na magsisimba lang ako kasama si Hannah.

“Ano ba  yan!! Ba’t ang tagal mo?!!” Reklamo ni Hannah saakin pag labas ko ng gate namin.

“Hinihintay ko kasi yung text ni Rocco. Nagbabakasakali lang akong baka magtext siya.” Malungkot na turan ko. Asan ba kasi siya? bakit hindi man lang siya natawag o magtext saakin? Hindi ba niya alam na may nag-aalala na sakanya.

“Alam mo, magtitext din yun mamaya. Wag mo na isipin yun.” Wika ni Hannah na animo’y pinagagaan ang loob ko.

“Asan si James?” Takhang tanong ko.

“Susunod nalang daw.” Wika niya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin ng may biglang sumulpot sa tabi ko. “Magsisimba kayo?” Tanong saamin ni Jm.

“Oo.” Tipid kong sagot.

Si Jm, kababata ko ito. Noon, sinubukan niya akong ligawan pero inunahan ko na siya. sinabi kong hindi ko siya gusto at kaibigan lang ang turing ko sakanya. Natanggap naman niya iyon at hanggang ngayon e, magkaibigan parin naman kami.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon