ENTRY #11

132 7 2
                                    

“Marie, sigurado ka bang tama na yang desisyon mo? Di kaya naaawa ka lang dun sa tao?” Tanong saakin ni Jane.

Andito kami sa classroom at naghihintay sa susunod na subject. Nai-kwento ko na kasi sa kanila yung nangyari kahapon eh.

FLASHBACK

Ng marinig ko ang mga tanong nila Peter. Di ako agad nakapagsalita. Alam kong bistado na nila ako. Oo, may gusto ako kay Rocco. Pero alam din nilang pilit ko itong nilalabanan. Pero habang tumatagal parang sinasaktan ko yung sarili ko sa pagpipigil ng damdamin ko.

“Bakit ba pilit mong pinipigilan George?” Tanong ni Carpio. Umupo siya sa tabi ko. Habang si Rocco ay nananatiling nakatitig saakin mula sa kinauupuan niya.

“Alam niyo naman ang dahilan diba.” Sambit ko.

“Pero Marie, sinasaktan mo lang ang sarili mo eh.” Si Jimmy.

“Pwede nyo naman yan ilihim he. Itago niyo.” Si Peter.

“Pero kasi, hindi niyo maintindihan eh.” Inis na sambit ko.

“Wag mo ipaintindi saamin Marie. Kay Rocco mo ipaintindi. Lalaki din kami Dre, alam namin ang pakiramdam ni Rocco.” Wika ni Carpio.

On that note, natuhan ako. Bakit hindi ko siya bigyan ng chance na mahalin ako? Bakit ko siya pinapahirapan ng ganito? Eh alm ko naman sa sarili ko na gusto ko siya. pero paano sina Grannie? Sina mama at papa? Ayokong suwayin sila pero may part sa puso ko na nagtutulak saakin na subukan ko.

END OF FLASHBACK

 

 

 

“Ramdam ko naman na mahal ako nung tao. Although di ko pa siya ganun kamahal? Pero sure ako na seryoso siya.” Wika ko kay Jane.

Tama kayo. Kahapon, nagka-usap kami ni Rocco. Sabi niya bigyan ko daw siya ng chance at sisiguraduhin daw niyang hindi ako magsisisi sakanya. Wala namang masama kung susubukan ko diba. Sabi nga nila, paano mo masasabing masarap sa feeling kung hindi mo pa nasusubukan.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon