ENTRY #30

64 4 0
                                    

“Aray...” Mahinang sambit ni George ng mapahiga siya sa dib-dib ng isang lalaki. Nang tignan niya ito, laking gulat niya at mabilis pa sa alas kwatrong tumayo siya mula sa pagkakasubsob sa dib-dib nito. Nakita niyang nakangiti ito sakanya.

“George! Ok ka lang?” Tanong ng kasamahan ng makalapit ito sakanya.

Pinagpagan niya ang sarili at saka matalim na tumingin sa nakabanggaan niya. “Ano ba?! Bakit ba kasi nakaharang ka sa daan?!!” Asar na bulyaw nito.

“Ikaw itong tumatakbo ng hindi tumitingin e.” Sambit nito.

Tumawa siya ng peke. “At ako pa ang hindi tumitingin sa dinadaanan ha! Hello?!! Training kaya namin, kaya dapat hindi ka pahara-hara sa daan!” Inis na turan ng dalaga saka ito tumalikod palayo.

“Alam mo ikaw, ang sungit mo talaga. Buti nga nasalo ka nung tao e, kung hindi baka pumutok na yang nguso mo.” Paalala ng kasamahan.

“Bakit?! Sinabi ko bang saluhin niya ako? Kasalanan niya kung bakit ako nadapa ano!” Asar na ika niya.

“Ewan ko sayo! Ang sungit mo!” Sambit nito saka tumakbo.

Nang matapos ang training ay agad siyang pumasok sa classrrom nila. Kasalukuyang nagtuturo na ang kaniyang teacher kaya naman nakayuko siyang pumasok. Agad siyang sumalampak sa sahig at marahang hinilot ang mga binti.

“Nako! Sasakit talaga yan, lalong lalaki ang muscle mo.” Bulong ng lalaking kinaiinisan niya. Inismiran na lamang niya ito ngunit nginitian lamang siya nito.

Nang sa tingin niya ay kaya na niyang makinig sa guro ay naupo na siya sa upuan niya, humarap sa guro at nakinig lang. “Tignan mo si ma’am. Yung mukha akala mo nasunog e no.” Sambit ng katabi saka natawa. Yung tawang pilit na pinipigil. Tinignan naman niya ang guro na kasalukuyang nagdi-discuss. Hindi niya alam pero, natawa na rin siya sa kalokohan ng katabi.

Oo nga, akala mo nasunog yung mukha nito dahil sa magkabilang pisnge ng mukha nito ay maitim na pinatungan lang ng foundation para pumuti ng kaonti.

“Tapos, ang lakas makapag damit ng ganyan. Akala mo bagets pa.” Bulong nanaman ng katabi. Napatakip siya sa bibig niya at pilit na pinipigilan ang tawang nais ng kumawala sa bibig niya.

Sa tuwa ay, nahampas niya ng marahan sa braso si Ivo. Agad naman itong napatigil sa pagtawa at napatingin sakanya. “HAHA! Sira ulo ka, ang sama ng ugali mo!” Sambit niya pa na tumatawa parin habang ang katabi ay seryosong nakatingin sakanya.  Napahinto na lamang siya sa pagtawa ng.. “At the back! Are you listening?!” Wika ng teacher nila na natigil sa pagsasalita. At ang mga kaklase nilang sila na ang tinitignan.

Agad silang umayos ng upo. “Sorry po ma’am.” Sabay pa nilang sabi. Nagkatinginan sila uli, mata sa mata. Agad naman na nag-iwas ng tingin si George.

Itinuon nila sa pakikinig ang isa’t-isa at hindi na muling kumibo pa.

--

“Yung mga titigan niyo kanina ha! Anong ibig sabihin non?” Tanong ng kaibigang si Cris. Babae ngunit pusong lalaki sa grupo.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon