ENTRY #17

80 5 0
                                    

Masaya ako kasi, natanggap niya kung ano yung naging desisyon ko. Sabagay, eh kung yung dating ako nga na basagulera, sugalera at lasenggera natanggap niya. Yun pa bang pagsali sa intrums pagbabawalan pa niya ako? Ang swerte ko talaga sakanya. Ang sarap maging boyfriend si Rocco Montano.

“Asan na ba yung mga iyon? Kanina pa iyon ah.” Inis na sabi ko. Si Rocco naman tahimik lang na nakaupo sa gilid.

“Mahal, wag mo kasi antayin.” Sambit niya.

Sabado ngayon, at ito ang araw na napagkasunduan namin ng mga ka-grupo ko. Ngayon namin gagawin ang project namin. Mas maagang magpapasa, mas malaki ang makukuhang grades. Pero nakakainis, dahil ang mga sira-ulo. Wala pa till now. 9am ang usapan pero 10am na wala pa din.

“Oh, yan na pala sila eh.” Sambit ni Rocco.

--

Habang nasa bus kami ay nagkukulitan lang kami ni Rocco. Dito kami sa dalawahan umupo para wala kaming ibang katabi. Sa sobrang busy niya, ngayon nalang ata kami nagkasama ng ganito. Yung nagkukulitan kami. Madalas kasi sa text lang kami nag-uusap eh. Patago pa. naramdaman ko nalang na sinandal ni Rocco yung ulo niya sa balikat ko.

“Inaantok ka?” Tanong ko sakanya.

“Hindi.. gusto ko lang gumanito sayo. I love you mahal.” Sambit niya. Napangiti naman ako.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung nakakawala ng pagod. Tama sila, masarap magmahal lalo na kung mahal ka ng taong mahal mo. Noon, sabi ko sa sarili ko hindi ako magmamahal. Hindi ako magmamahal dahil ayokong masaktan, ayokong maiwan at magmukhang tanga. Pero ang bait parin ni Lord saakin. Binigay niya ang tamang tao para saakin.

“Guys, dito muna tayo sa KFC.” Sambit ni Leslie.

Lumapit na sila doon at saka pinicturan yung harap ng KFC. Sa totoo lang, nagkakahiyaan at nagtuturuan pa kami kung sino ang kukuha ng litrato eh. HAHHA!!

“Mahal, punta lang kami dun ah.” Sambit ni Rocco saakin. Tumango naman ako bilang pagpayag sakanya.

Kumuha pa kami ng mga litrato ng iba’t-ibang past food chain. Ng alam naming ok na ang mga nakuha naming litrato tumambay muna kami sa may bench doon. Saan na kaya nagpunta yung dalawa. Kanina pa yun ah.

“Oh, ayan na pala sila eh.” Sambit ni Grace.

“San kayo galing?” Bungad kong tanong kina Rocco na kasalukuyang kumakain ng lay’s.

My Ex-Boyfriend Vs. My New Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon